Isang kasunduan sa pagitan ng mga unyon at kinatawan ng mga employer. Nagtataglay ito ng pagtaas sa sahod at ang pagdodoble ng panahon ng abiso kung tatanggalin ang isang manggagawa makalipas ang maternity leave. Ang huling lagda, sa katapusan ng Hunyo.
Rome – Abril 23, 2013 – Sa wakas ay nagkaroon na rin ng kasunduan. Ang mga unyon at mga asosasyon ng employer ay ni-renew ang National Collective Agreement para sa domestic job, ng mga colf, caregivers, babysitters at ilang propesyon na kumakatawan sa dalawang milyong mga manggagawa, na karaniwang mga imigrante.
Ang Filcams CGIL, Fisascat CISL, Uiltucs UIL at Federcolf ay pinirmahan kamakailan sa Roma ang minutes ng naging kasunduan (buong teksto) kabilang din ang huling dalawang puntos na nanatiling hindi malinaw, at naging kritikal sa loob ng 2 taon: ang pagtaas ng tulong pinansyal sa maternity.
Ang awmento o pagtaas ay nahahati sa tatlong bahagi, na magsisimula sa 2014, 2015 at 2016, at mag-iiba ayon sa antas ng trabaho ng mga manggagawa. Halimbawa, para sa mga naka-live in at nag-aalaga ng mga bata o ng matatanda at may tungkulin rin sa paghahanda ng pagkain at paglilinis ng bahay (level B super) ay nakalaan ang isang pagtaas ng 19 euro (7 + 6 + 6).
"Ang mga nasasaad na awmento o pagtaas sa kasunduan – paliwanang sa isang magkasanib na pahayag ng mga unyon – ay may hangaring mabawi ang tinatawag na purchasing power o potere d’acquisto tulad ng nasasaad sa kalkulasyon ng ISTAT. Ang National agreement ng domestic job ay nagsasaad, sa katunayan, ng isang mekanismo ng yearly adjustment sa minimum wage na masisiguro ang pagbawi sa 80% ng inflation: samakatwid ang layunin ay ang mabawi ang 20% taun-taon.
Sa maternity naman, ang kasunduan ay nagsasaad ng abiso sa kaso ng pagtatanggal sa trabaho. Dodoblehin sa kasong “ang employer ay tatanggalin sa trabaho ang worker bago ang ika-31 araw makalipas ang maternity leave”. Nangangahulugan, halimbawa, sa ganitong mga kaso, ang mga new moms na mayroong hindi bababa sa 5 taong experience o hired sa hindi bababa sa 25 hrs weekly ay mayroong karapatan sa 2 buwang abiso o isang compensasyon katumbas ng sahod sa panahong iyon.
Kabilang sa mga panukalang inilahad ng mga unyon ay ang pagbabawal sa pagtatanggal sa trabaho sa loob ng isang taon makalipas ang panganganak (isang proteksyon na sumasaklaw sa lahat ng iba pang mga manggagawa sa Italya), ngunit ito ay maximum period na ibinibigay ng mga employer. Ang transposisyon ng International Convention Ilo 189 sa disenteng domestic job, na pinirmahan ng Italya na nagpapatas sa domestic job sa lahat ng ibang uri ng trabaho, ay maaari samakatwid, maghatid ng isang bagong pagbabago ukol dito sa hinaharap.
Ang Italian Federation ng mga employer ng domestic job ay ipinapaalam na ang bagong CCNL ay maghahatid din ng “higit na tulong sa mga non-sufficient person”. At iniisip ang paglikha ng pagtatama sa kasalukuyang sistema na magpapahintulot sa isang complete assitance (7 days a wk), sa pamamagitan ng pagbibigay ng karapatan sa mga employer na tumanggap at mag-empleyo – sa abot kayang halaga – ng karagdagang worker na may limitadong serbisyo sa panahon ng pahinga ng naunang worker”.
Sa ngayon na mayroon ng kasunduan ang bagong kontrata ay dapat na ilagay sa papel. Sa minutes na pinirmahan kamakailan ng dalawang parte na nagsusumikap upang isulat ang teorya ng final draft hanggang sa May 31, upang ito at sumailalim sa mga konsultasyon sa buwan ng Hunyo at ang mga huling lagda naman sa katapusan ng Hunyo 2013.
"Sa kabila ng isang panahong maituturing na mahirap – ayon pa sa mga unyon – ang pagre-renew ng isang pambansang kontrata na sumasakop sa higit sa 2 milyong worker na pawang mga kababaihan at kalalakihan ay isang mahalagang senyales ng pananagutan ng mga tanggapan, at inaasahan na tatanggapin ng magiging gobyerno, may hangaring bigyang halaga ang propesyong ito, natatago ngunti higit na nagiging mahalaga sa panahon ng unti-unting pagbaba ng public welfare”.