Sa online application form ng italian citizenship sa website ng Ministry of Interior ay makikita na rin ang pinaka bagong requirement nito, ang obligatory italian language, ayon sa ulat ng cittadinanza.biz
Narito ang mga pagpipilian:
- Accordo di integrazione; (integration agreement)
- Permesso UE per soggiornanti di lungo period; (EC long term residence permit)
- Titolo di studio; (Diploma)
- Certificato di conoscenza della lingua italiana; (Italian Language Certificate)
Integration Agreement
Ito ay tumutukoy sa point system at sa pangangako (sa pamamagitan ng pagpirma) ng pag-aaral ng dayuhan ng angkop na kaalaman sa wikang italyano, sapat na kaalaman ng mga pangunahing prinsipyo ng Konstitusyon ng Republika, ang Kultura at Sibika, at ang pamumuhay ng sibil sa Italya at siguraduhin ang pagsunod sa obligasyon ng pagbibigay edukasyon sa mga menor de edad na anak.
Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo (dating carta di soggiorno)
Pinalitan ng artikulo 9 ng Testo Unico sull’Immigrazione ang dating carta di soggiorno ng “Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo”.
Nagasaad sa batas bilang 94/2009 ang pagbibigay ng EC long term residence permit sa dayuhang magpapakita ng kaalaman sa wikang italyano. Ang minimum level ng kaalaman sa Italian language na kinakailangan para magkaroon ng dating carta di soggiorno ay A2. Dahil dito, ang pagkakaroon ng dokumentong nabanggit ay isa sa mga opsyon ng kaalaman sa wikang italyano.
Titolo di Studio
Sa ilalim ng ‘Titolo di studio’ ay mayroong mapagpipiliang balido para sa aplikasyon ng citizenship:
- Laurea magistrale
- Licenza elementare
- Diploma scuola secondaria di primo grado
- Diploma scuola secondaria superiore
- Istruzione e formazione professionale IFP
Certificato di conoscenza della lingua italiana (ente privato)
Ito ay ang pagkakaroon ng sertipiko mula sa Università per stranieri di Perugia, Università per stranieri di Siena, Università di Roma Tre at ang Socetà Dante Alighieri.
Cetificato di conoscenza della lingua italiana (ente pubblico/parificato)
Ito ay tumutukoy sa mga publiko at pribadong institusyon sa Italya o sa labas ng Italya na kinikilala ng Ministry of Education, University and Research at Ministry of Foreign Affairs at International Cooperation.