May pagbabago sa releasing at aplikasyon ng renewal ng mga permit to stay ng mga dayuhang naninirahan sa Genova.
Simula Enero 1, 2020 ang access sa mga Sportelli Unici per l’Immigrazione ay esklusibong online lamang.
Sa katunayan, sa pagpasok ng taon ay ihihinto ang anumang uri ng pagbibigay ng appointment sa Questura di Genova at sa Ufficio Immigrazione na nasa Via D’Annunzio 80, Genova.
Sa pakikipagtulungan ng Cupa-project, ang mga dayuhan ay maaaring mag-book o prenotate online sa pamamagitan ng www.cupa-project.it ng appointment na magpapahintulot sa mabilis at simpleng paraan ng releasing at renewal ng mga permit to stay.
Sa pamamagitan ng website na ito ay maaaring mag-prenotate ang mga dayuhan ng appointment para sa releasing ng lahat ng uri ng permit to stay, kasama ang electronic permit to stay at ang kilala sa tawag na carta di soggiorno, matapos suriin sa website ng www.poliziadistato.it kung ang permit to stay o kilalang carta di soggiorno ay handa na for releasing.
Maaari ding mag-prenotate ng apponitment sa Sportello Unico, sa pamamagitan ng website na nabanggit, upang alamin ang estado ng renewal ng permit to stay.
Samantala, ang online booking ay kailangan din para sa releasing o renewal ng mga papel na permit to stay na hindi nangangailangan ng kit postale tulad ng permesso per familiare cittadino EU, cure mediche, assistenza minori. Ito ay para rin sa releasing at renewal ng mga permit to stay per asilo, protezione sussidiaria at protezione speciale.
Narito ang mga lugar sa Italya sa ilalim ng Cupa project.
- Questura di Firenze
- Questura di Prato
- Questura di Bologna
- Questura di Genova
- Questura di Vercelli
- Questura di Como
- Questura di Monza
- Questura di Milano
- Questura di Lodi
- Questura di Brescia
- Questura di Mantova
- Questura di Treviso
- Questura di Venezia