Mula ngayon, ang Migreat app ng Stranieri in Italia ay available na din sa IOS mobile device.
Ang Migreat app – Stranieri in Italia – isang instrumento na available na sa Android mobile device – ay nilikha upang makatulong sa integrasyon ng mga dayuhang migrante, ang tinatawag na mga new Europeans.
Ang layunin ng Migreat ay mapadali ang access sa wastong impormasyon para sa mga dayuhan sa Italya sa pamamagitan ng online consultation sa tulong ng mgadalubhasa sa imigrasyon, citizenship at trabaho.
Sapat na sa mga users ang ilang touch sa screen ng kanilang smart phone, upang makapag-request ng online consultation direkta sa mga immigration experts sa halagang €1,99 lamang. At simula ngayong araw, ay available na rin sa mga Apple device.
I-click lamang ang link para ma-download ito.
“Ang lakas ng bagong Migreat app, na na-download na ng higit sa 10 libong mga users – paliwanag ni Victoria Leonhardt, direktor ng Migreat – ay nagpapahintulot na malutas ang pang-araw-araw at kongkretong mga isyu sa pamamagitan ng direktang pag-book ng online consulation sa isang dalubhasa direkta mula sa App sa napakababang halaga. Ang mga impormasyon sa tulong ng teknolohiya ay isang bagong bagay sa publiko: dito tayo magsisimula upang mapalitan (sana) ang lipunan ng kasalukuyan at ng nalalapit na hinaharap “.
Malaki ang potensyal ng Migreat App: dahil dito ay nabigyang solusyon ang problema ng paghahanap ng isang lugar kung saan maaaring pag-usapan ang iba’t ibang tema ukol sa imigrasyon kasama ang mga kaibigan. Maaaring pag-usapan ang reception at social integration sa sosyedad at marami pang iba.
Sa katunayan, ilang taon na rin na nagpahayag ng interes ang sosyedad sa App na nakakatulong sa mga migrante upang harapain ang hamon ng isang bagong buhay sa isang bansang hindi kilala. Tinanggap ito ng Stranieri in Italya at muli ay naglulunsad ng isang bagong hamon, mula sa 20 taong karanasan na naglalarawan dito. (www.stranieriinitalia.it)