in

Paghahanda ng aplikasyon ng seasonal workers, simula ngayong araw

Simula ngayong araw, sa website ng Ministry of Interior, ay maaaring simulan ang paghahanda sa aplikasyon ng mga seasonal workers. Ipapadala naman ang mga ito simula Feb. 17. Narito ang mga maaaring magpunta sa Italya para sa seasonal job.

 

Roma, Pebrero 10, 2016 – Farms, restaurants at hotel. Ito ang mga potensyal na employers ng 13,000 non European seasonal workers na pinahihintulutang pumasok ng bansa sa pamamagitan ng decreto flussi 2016.

Simula ngayong araw, ang mga kumpanya ay maaaring ihanda ang mga aplikasyon sa website ng Ministry of Interior https://nullaostalavoro.dlci.interno.it. Kailangan nilang i-fill up ang modulo CRichiesta di nulla osta al lavoro subordinato stagionale” at i-save ito. Sa pagpapadala ng aplikasyon ay kailangang maghintay hanggang Miyerkules, Pebrero 17.

Narito ang listahan ng mga bansa na maaaring makarating sa Italya para sa seasonal job: Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, South Korea, Ivory Coast, Egypt, Etiopia, ex-Yugoslav Republic of Macedonia, Pilipinas, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo , Marocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine, Tunisia, Sudan.

Simula na rin para sa mga seasonal workers, anuman ang nasyunalidad, na nagtrabaho na sa Italya sa nakaraan. Kabilang sa 13,000, ay ang 1500 na seasonal workers na nagtrabaho na sa Italya ng dalawang magkasunod na taon na maaaring mag-aplay para sa multi-entry visa. Ito ay magpapahintulot sa mga kumpanya ang tawagin ang mga seasonal workers sa Italya sa mga susunod na taon, kahit walang decreto flussi.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng sahod sa pag-aaplay ng carta di soggiorno sa taong 2016

Iligtas ang mga nawalan ng trabaho, dalawang taong permesso attesa occupazione at regularization