in

Pagkakataon ng employer na nagbayad ng 1,000 E na maipadala online ang aplikasyon ng Sanatora ‘12

Ang mga employer na hindi tinapos ang buong proseso ng huling Regularization ay maaaring i-fill up at ipadala online ang aplikasyon simula Dec 1 hanggang Jan 31. Upang makapasok sa sistema, ay kailangang gamitin ang mga datas na ginamit sa pagbabayad ng F24.

Roma –Dec 5, 2012 – Ang regularization ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga late employers: mga pamilya o kumpanya na nagbayad hanggang Oct 15 sa pamamagitan ng F24 ng 1,000 euros na kontribusyon para sa proseso ng Regularization, ngunit hindi naipadala ang aplikasyon online.

Libo rin ang naitalang sitwasyon tulad nito, at matatandaang nabanggit ilang linggo na ang nakakaraan ni undersecretary ng Interior Saverio Ruperto. Ang pinagbayaran, paliwanag sa isang circular na ipinakalat kahapon ng head office for Immigration, “ay tinatanggap bilang pagpapatunay ng employer na nais gawing regular ang trabaho ng manggagawang dayuhan”.

Ang Viminale ay nagdesisyon na bigyan ng pagakakataon ang sinumang nagbayad ng kontribusyon, na ipadala online ang aplikasyon. Simula Dec 1 hanggang Jan 30 ay maaaring i-fill up ang mga forms at ipadala sa website https://nullaostalavoro.interno.it , na di na kailangan pang mag-register.

Upang makapasok sa sistema, kailangang isulat sa patlang ng “mail utente” ang fiscal code o ang partita IVA ng employer na ginamit sa F24, samantala sa patlang na “password” ang numero ng identity card ng worker na nasasaad sa nasabing form. Matapos ito, ay ibibigay ng sistema ang form EM-DOM para sa regularization ng mga domestic workers at ang form EM-SUB para sa subordinate jobs ng ibang sektor.

Tandaang ang pagkakataong ito ay para lamang sa mga employer na nagbayad ng 1,000 euros hanggnag Oct 15, at ang Regularization ay ganap ng tapos at sarado. Bukod dito,ay imposible na rin ang magbayad pa ng 1,000 euros dahil ang Agenzia dell’Entrate ay tinanggal na ang mga code upang makapagbayad pa.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization 2009 , tanggap pa rin kahit ang employer ay nagsumite ng higit sa isang aplilkasyon

Regularization – Permesso per attesa occupazione, kung matatapos ang trabaho bago tawagin ng SUI