in

Pagsusumite ng application form ng Reddito di Inclusione, simula Dec 1

Ang REI application form ay maaaring isumite sa Comune mula Disyembre 2017 habang ang pagtanggap ng benepisyo ay sisimulan naman sa Enero 2018.

 

 

Mula Dec 1, ay sisimulan ng Comune ang pagtanggap ng mga application form ng reddito di inclusion. Ito ay ang bagong tulong pinansyal na kapalit ng SIA na nakalaan sa mga pamilyang nakakaranas ng kahirapan. Ito ay isang aksyon ng pamahalaan na naglalayong bahagyang mapabuti ang kundisyon sa pamamagitan ng tulong pinansyal at personalized project para muling magkaroon ng trabaho. 

Ang REI application form ay maaaring isumite mula Disyembre habang ang pagtanggap ng benepisyo ay sisimulan naman sa Enero 2018

Upang matanggap ang benepisyo, ipinapaalalang kailangang ilakip sa aplikasyon ang ISEE at ISR na batayan ng kabuuang kita ng pamilya batay sa bilang ng mga miyembro nito. 

Gayunpaman, ang pinakamataas na halagang matatanggap sa pamamagitan ng reddito di inclusion 2018 ay € 485,00 para sa malaking pamilya na binubuo ng higit sa 5 katao.  

Ngunit dahil ang ordinaryong ISEE ay balido hanggang Enero lamang taun-taon, ang aplikante upang maiwasan ang pansamantalang pagtanggap sa benepisyo, kung nagsumite ng aplikasyon ng Disyembre 2017 ay kailangang i-renew ang ISEE hanggang Marso 2018

Samantala sa mga mag-susumite naman ng aplikasyon sa Enero 2018 ay kakailanganin na ang bagong ISEE 2018

Gayunpaman, ang aplikasyong gagamitin mula Disyembre ay ang modulo REI Inps na ilalathala sa mga susunod na araw kasama ang isang Circular.  

 

Mapatos isumite ang aplikasyon, ano ang dapat gawin ng aplikante? 

Ang aplikasyon ay isusumite ng aplikante sa Comune na kinasasakupan lakip ang mga requirements. 

Batay sa decreto REI:

Ang Comune ay kailangang tiyakin ang tinanggap na aplikasyon at requirements at ito ang mga ay ipapadala sa Inps sa loob ng 15 araw mula sa pagtanggap sa mga ito.

Ang Inps sa susunod na 5 araw ay susuriin ang mga requirements at titiyakin ang pagiging kwalipikado ng aplikante: 

  • kung positibo, ay ipapadala ng Inps sa Poste Italiane ang komunikasyon upang ilagay ang bonus sa carta REI;
  • kung negatibo naman, ay ipagbibigay-alam ito ng Inps sa aplikante, ang dahilan at ang instruction kung paano mag-apila.

Ang Poste Italiane, matapos matanggap ang ok mula sa Inps ay magpapatuloy sa pag-iisyu ng Carta Rei, isang uri ng pre-paid card na naka-pangalan sa aplikante. Pagkatapos ay papadalhan ng komunikasyon ang aplikante kung saan aanyayahan ito sa posta upang tanggapin ang card. 

Matapos i-activate ang card ay ilalagay dito ng Poste ang halagang nakalaan sa aplikante. Upang ganap na magamit ang card ay kailangang hintayin ang pincode na ipapadala naman ng posta sa tirahan nito.

Basahin rin: 

Mga dapat malaman ukol sa Reddito di Inclusion 2018

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Magkano ang dapat sahurin ng mga colf? Ano ang nasasaad sa batas?

BALIK SA BASIK 2017, isang tagumpay para sa komunidad ng mga Pilipino