Aprubado sa Parliyamento ang pagtatanggal ng artikulo 10-bis sa Batas sa Imigrasyon, ngunit nananatiling krimen ito para sa mga recidivist (first offenders). Mahaba ang panahong kinakailangan, mula sa aprubasyon ng Kamara hanggang sa mga dekreto buhat sa gobyerno.
Rome – Enero 22, 2014 – Tila nakalutang ang krimen ng iligal na imigrasyon, kilala bilang reato di clandestinita matapos aprubahan ng Parliyamento ang susog. Gayunpaman, maghihintay pa rin upang tuluyan itong matanggal bilang krimen.
Inaprubahan kahapon ng Senado ang susog ukol sa parusa ng hindi pagkakabilanggo, at bukod pa sa ilang mga bagay, ito ay naghahangad din na magbasura sa Batas sa Imigrasyon ng centre-right coalition.
Ang artikulo 2, talata 3, letra b, sa katunayan ay nag-uutos sa gobyerno sa "pag-uurong, at paglilipat sa administrative violation ng krimeng nababanggit sa artikulo 10-bis ng Testo Unico o batas sa imigrasyon at kundisyon ng dayuhan batay sa legislative decree n. 286 noong Hulyo 25, 1998, at pagpapanatili sa criminal nature bilang pag-uugali ng paglabag sa administrative measures na pinagtibay”.
Sa madaling salita, tulad ng paliwanag sa senado ni Justice Undersecretary Cosimo Ferri, ang pagpapatalsik ay nananatili, ngunit ang pagpasok at pananatiling iligal sa Italya ay magiging administrative violations at hindi bilang krimen. Bukod, dito ay nananatiling paglabag ang hindi pagsunod sa isang foglio di via o ang muling pagpasok sa Italya matapos ang expulsion, pati na rin ang paglabag sa administrative measures ng mga irregulars, tulad ng obligasyon sa pag-pirma sa Questura o ang pagbibigay ng pasaporte.
Ang reato di clandestinità, sinimulan noong 2009 sa legge sulla sicurezza na isinulong ng Popolo della libertà, ang krimen ng iligal na imigrasyon ay hindi magdadala sa sinuman sa bilangguan ngunit nagiging isang kriminal ang sinumang walang permit to stay at obligado ang korte na magbukas ng kaso na magtatapos sa isang expulsion. Parehong layunin ng administrative expulsion, na mananatiling ipatutupad. At walang anumang garantiya na ang pagpapa-uwi ay tuluyang naganap.
Sa simula ng pagpapatupad nito, ang PD at SEL ay tahakang laban sa bagong krimen at kung ito ay mainit na tema sa kasalukuyan ay salamat sa pagsusulong ng susog mula sa senador ng M5S. Isang susog na binansagang “nel metodo e nel merito” ni Beppe Grillo at Gianroberto Casaleggio, ngunit sinang-ayunan ng majority ng mga followers nito sa isang referendum na ginawa ng kanilang leader online.
Ang susog ng M5S ay limitado sa pagtatanggal sa krimen ng pagpasok at pananatiling iligal ng dayuhan. Ang gobyerno, sa pagtupad sa mga hinihingi ng bagong centre-right coalition, gayunpaman, ay kinailangang tukuyin, na may karagdagang susog ang isinulong sa senado, ngunit nanatiling isang administrative violation at ang decriminalization ng unang entry lamang.
Ipinapaala na ang kaganapan kahapon ay unang hakbang lamang. Sa katunayan, ang disegno di legge ng senado ay sumailalim sa mga pagbabago at samakatwid ay kailangang bumalik sa Kamara para sa ganap na aprubasyon nito. At kung sa Montecitorio (Kamara) ay magkakaroon ng karagdagang pagbabago, ang teksto ay muling babalik sa Palazzo Madama (Senado).
Higit sa lahat, ay dapat tandaan na matapos ang ganap na aprubasyon at ang pagpapatupad nito, ito ay isang legge delega at samakatwid ang gobyerno ay kailangang sumulat ng legislative decree para sa tuluyang pagpapatupad nito. Ang panahong kinakailangan? Mahabang panahon: maaring umabot hanggang 18 buwan simula sa pagpapatupad ng delega, hindi kasama sa bilang ang kaukulang opinyon sa dekreto na dapat ihayag ng parliyamento. Isang deadline na maaaring lumampas sa mandate ng kasalukuyang executive.