in

Palugit sa aplikasyon ng mga permit to stay, pansamantalang ihihinto ng 30 araw

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Sanhi ng emerhensyang dulot ng coronavirus, pansamantalang ihihinto ang palugit sa aplikasyon at renewal ng mga permit to stay ng 30 araw.

Ito ay nasasaad sa pinakahuling inaprubahang decreto-legge 2 marzo 2020 n. 2 ng pamahalaang Conte at inilahtala kahapon sa Official  Gazette upang harapin ang kasalukuyang emerhensya ng coronavirus sa bansa.

Sa detalye, nasasaad na ang palugit na walong (8) araw ukol sa pag-aaplay ng first issuance ng permit to stay sa mga dayuhang kapapasok pa lamang sa bansa ay pansamantalang suspendido. Ang timbro sa pasaporte ng dayuhan ang magsisilbing patunay ng kawalan ng permit to stay. Bukod dito, pansamantala ding suspendido ang palugit na animnapung (60)  araw na matapos ang validity ng permit to stay upang gawin ang aplikasyon ng renewal nito.

Art. 9. Procedimenti amministrativi di competenza delle Autorità di pubblica sicurezza

1. A decorrere dalla data di entrata in vigore del presente decreto, al fine di consentire la piena utilizzazione del personale della Polizia di Stato, sono sospesi per la durata di trenta giorni:

b) i termini per la presentazione della richiesta di primo rilascio e del rinnovo del permesso di soggiorno previsti, rispettivamente, in otto giorni lavorativi dall’ingresso dello straniero nel territorio dello Stato e in almeno sessanta giorni prima della scadenza o nei sessanta giorni successivi alla scadenza, ai sensi dell’articolo 5, commi 2 e 4, e dell’articolo 13, comma 2, lettera b) , del decreto legislativo 25 luglio 1998, n. 286.

Ito ay isang aksyon na magpapahintulot sa mga alagad ng batas na karaniwang humaharap lamang sa mga administratibong trabaho na tumutok din sa emerhensya ng covid-19. Kinakailangan umano ang presensya nila sa mga lugar kung saan may emerhensya.

Gayunpaman, ukol sa releasing at renewal ng mga pasaporte, bagaman hindi suspendido sa kasalukuyan, ay maaaring magkaroon ng pagka-antala. (ni: PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Itutuloy ko ba ang aking bakasyon sa Pilipinas ngayong Marso sa kasagsagan ng Covid-19 sa Italya?

Posibleng pagsasara ng mga paaralan sa lahat ng antas simula bukas hanggang March 15, lilinawin hanggang mamayang gabi