Ito ay pangunahing requirement upang magkaroon ng permit to stay para sa trabaho.
Novara – Isang kumpanya na ang eksklusibong gawain ay ang gumawa ng pekeng payroll at pekeng kontrata ng trabaho para sa mga migranteng walang trabaho na dapat ng mag-renew ng kanilang mga permit to stay ang nahuli ng mga pulis ng Novara.
Pitong migrante ang inaresto. Ayon sa mga report ay patuloy na kinikilala ang mga taong nasa likod ng kumpanya at nagpapatakbo ng ganitong uri ng mekanismo.
Ang dayuhan diumano ay naghahayag na bagong tanggap sa isang kumpanya, ang main office ay matatagpuan sa Bergamo at tila ang kontrata ay perpekto. Kung kinakailangan, sila ay mayroong mga handang payroll, lahat ay peke ngunit naghahayag ng pagkakaroon ng aktwal na trabaho. Dahil walang mintis ang mga papeles ay ipinagkakaloob sa dayuhan ang permit to stay para sa trabaho para sa dalawang taon.
Ngunit lahat ng ito ay natuklasan ng anti-fraud ng Immigration Police ng Novara, na sinusuring mabuti at nagdagdag ng karagdagang kontrol sa mga requirements upang magkaroon ng permit to stay.