in

Permessi di Soggiorno, extended ulit ang validity hanggang August 31, 2020

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Ang pagsasabatas ng Decreto Cura Italia April 24, 2020, n. 27 na ipinatutupad simula April 30, 2020 ay nagpalawig muli sa validity ng mga permit to stay hanggang August 31, 2020.

Extended ang validity ng mga sumusunod:

  • Ang deadline conversion ng mga permit to stay mula studio sa lavoro subordinato at mula lavoro stagionale sa lavoro subordinato non stagionale;
  • Ang mga entry visa na inusyu ng mga Member State ng EU at balido sa pananatili sa Italya. 
  • Lahat ng uri ng travel document ng mga refugees at asylum seekers,
  • Ang nulla osta na inisyu para sa lavoro stagionale, para sa ricongiungimento familiare, per lavoro – at ilang kaso tulad ng ricerca, blu card, trasferimenti infrasociettari;
  • Ang mga permit to stay per lavoro subordinato, attesa occupazione, lavoro automono, famiglia, tirocino, ricerca lavoro o imprenditorialità di studenti;
  • Ang mga aplikasyon ng conversion.

Ang mga permit to stay per lavoro stagionale na ang expiration ay mula Feb 23 at May 31, 2020 ay pinalawug ang validity hanggang December 31, 2020.

Samantala, “ang mga nasa Pilipinas na may expired o malapit nang mag-expire na permesso di soggiorno ay pinapayagang bumalik sa Italya hanggang 31 Agosto 2020 nang hindi na kinakailangang mag-apply ng re-entry visa sa Embahada ng Italya sa Manila“, ayon sa paalala ng Philippine Embassy sa Roma. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sino-sino ang sakop na Overseas Filipinos sa Philhealth Circular 2020-0014?

Sino ang mga itinuturing na ‘Disoccupato’?