in

Permesso Unico per Lavoro at tsuper na migrante sa pampublikong transportasyon, inilathala ang dekreto

Sa permit ay makikitang nakasulat ang per lavoro. Pinahaba ang panahon para sa releasing at renewal. Aplikasyon ng ‘direct hiring’ ay susuriin lamang kung magkakaroon ng availability. Kinansela ang diskriminasyon para sa hiring sa public transportation.

 

Rome – Abril 1, 2014 – Higit na paglilinaw ukol sa permit upang makapag-trabaho, mas mahabang panahon (sa papel lamang) para sa immigration bureaucracy, isang bagong prosedura para sa pagsusuri ng mga aplikasyon ng ‘direct hire’. Higit sa lahat, kumpirmado na ang isang migrante ay may karapatang maging tsuper sa public transportation.

Ito ay ilan lamang sa mga bagong balita na mababasa sa isang legislative decree na inilathata kamakilan sa Official Gazette, na ipatutupad simula Abril 6. Ang implementing rules ‘directive 2011/98/UE, na naghahayag ng iisang prosedura sa pagbibigay ng permesso unico na magpapahintulot sa mga third country nationals ang manirahan at magtrabaho sa isang Member State kasabay nito ang mga karapatan ng isang mangagawa ng third country na regular nang naninirahan sa Member State.

Iisang prosedura at iisang permit, sa katunyan, sa Italya ay ipinatutupad na: ang permit na ipinagkakaloob sa sinumang dumarating sa Italya sa pamamagitan ng ‘direct hire’, halimbawa, ay balido sa pagta-trabaho at paninirahan sa bansa. Sa katunayan, ito ay nagbibigay ng katumbas na karapatan ng sa mga Italian workers, kahit pa nananatiling magkaiba ang pamamaraan ng pagtanggap ng ilang social benefits, ngunit sa kasong ito, ang dekreto ay walang nabanggit.

Ang teksto, gayunpaman, ay naghahatid din ng ilang pagbabago, simula sa paggamit ng salitang “Permesso Unico lavoro” sa mga permit to stay na nagpapahintulot din makapag-trabaho. Sa ganitong paraan ang isang employer ay agad malalaman kung maaaring i-hire ang dayuhang dumating sa Italya para sa ibang dahilan o motibo, halimbawa family reunification, na gayunpaman, ayon sa batas, ay maaaring maghanap ng trabaho.

Mananatiling mayroong mga exemption. Kahit pa, sa ilang kundisyon, ay pahihintulutang mag-trabaho, ang walang nakasulat na Perm. Unico Lavoro’ang mga carta di soggiorno, para sa seasonal job, sa self-employment, humanitarian, refugees, International protection, pag-aaral at para sa ilang mga propesyonal na dumating sa Italya na hindi sakop ng decreto flussi.

Ang dekreto ay nagtataas din mula 20 hanggang maximum 60 araw, mula sa araw ng aplikasyon, ang releasing,renewal at conversion ng mga permit to stay. At mula naman 40 hanggang 60 days ang pagsusuri ng Sportello Unico per l’Immigrazione  sa mga aplikasyon ng direct hire at pagkakaloob ng mga nulla osta o awtorisasyon sa pagpasok ng manggagawa sa Italya.

Isang panuntunan na hindi mararamdaman ang epekto. Isang paghahaba ng panahon na magtutulak sa public administration ang sundin ang kasalukuyan: sa katunayan, tulad ng alam ng lahat ng mga migrante, na mahaba ang panahong kinakailangan para sa releasing, renewal at conversion ng mga permit to stay, o para sa mga kasagutan sa ‘direct hire’, na sa ngayon ay umaabot ng ilang buwan, at minsan ay taon pa.

Sa halip, may isang pagbabago na magpapadali sa trabaho ng mga Sportelli Unici per l’Immigrazione. Ang mga aplikasyon para sa hiring mula sa ibang bansa, simula ngayon ay “susuriin sa limitadong bilang” na itinalaga ng decreto flussi at lahat ng lalampas mula sa limitasyong ito ay susuriin lamang “sa pagkakataong magkaroon lamang ng availability”.  

Ano ang pagbabago? Sa sandaling maubos ang quota, ang mga Sportelli Unici ay maaaring balewalain ang lahat ng aplikasyon, na hindi mag-oobliga sa pagbibigay sa libu-libong ‘rejected’ na aplikasyon.  

Ang dekreto ay magtatanggal lamang sa obligasyon sa pagpapakita ng contratto di soggiorno upang ma-renew ang permit to stay para sa trabaho. Na sa kasalukuyan, ang contratto di soggiorno ay ginagawa na lamang sa unang pagpasok (primo ingresso) at samakatwid bago ang unang hiring ng dayuhan sa Italya. At kung magpapalit ng employer, ang normal na “comunicazione di assunzione” ay nagtataglay na rin ng mga impormasyong matatagpuan sa contratto di soggiorno.

Bilang konklusyon, ay tinanggal ang isang artikolo sa isang dekreto ng 1931 kung saan ang mga empleyado ng treno, tramways, bus ay kinakailangang italyano. Sa katunayan, ilang hukom na ang naghayag ng pagtatangal nito dahil isang diskriminasyon. Ngunit maraming kumpanya ng transportasyon, ang nagpapatuloy sa pagsunod dito at nagtatanggal ng karapatan sa mga dayuhan sa hiring.

DECRETO LEGISLATIVO 4 marzo 2014, n. 40  
Attuazione della direttiva 2011/98/UE relativa a una procedura unica di domanda per il rilascio di un permesso unico che consente  ai cittadini di Paesi terzi di soggiornare e lavorare nel territorio di uno Stato membro e a un insieme comune di diritti per i lavoratori di Paesi terzi che soggiornano regolarmente  in uno Stato membro. (GU n.68 del 22-3-2014)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bushe, nag-iisang Pinay artist sa Italian exhibit

Abril 10, deadling ng unang konribusyon sa Inps sa 2014