Higit na parusa sa sinumang tatanggap sa kanila, ngunit ang permit to stay ay nananatiling isang malaking pangarap. Ang lubhang minamaltrato, mag-rereport at makikipagtulungan lamang ang maaaring gawing regular. Narito ang isinasaad ng draft ng legislative decree na inayunan ng Gobyerno.
Rome, Abril 22, 2012 – Napapalapit na ang mas mabigat na parusa sa sinumang tatanggap sa mga dayuhang iligal, ngunit iilan lamang sa mga ito ang lubhang minamaltrato ng mga employer, mag-rereport at makikipagtulungan sa awtoridad ang maaaring mangarap ng isang permit to stay. Para sa karamihan ay nananatiling ang pagpapa-deport ang tanging solusyon.
Noong nakaraang16 Abril ang Gobyerno ay inayunan ang draft ng legislative decree na kahalintulad ng European directive ukol sa “minimum na pamantayan sa mga parusa at mga panukala laban sa mga employer na tumatanggap sa mga ilegal na non-EU nationals.” Sa teksto, kung saan ang Kamara at Senado ay maghahayag ng opinyon, ay mauunawaan kung gaano ang magiging epekto nito sa buhay ng daan-daang libong mga banyagang manggagawang “invisible”.
Sa Italya ang pagbibigay ng trabaho sa mga walang balidong permit to stay ay isang krimen na pinaparusahan ng Batas sa Imigrasyon (TU) ng pagkakabilanggo mula tatlong buwan hanggang sa isang taon at multa ng 5,000 euro para sa bawat manggagawa. Bukod pa rito, ang mga administratibong parusa para sa paglabag sa mga obligasyon sa panlipunang seguridad.
Ang draft ng decree ay nagsasaad na ang sinumang dayuhang manggagawang nahatulan (kahit na hindi pa dipenitibo) ay hindi maaaring makapasok sa Italya sa pamamagitan ng direct hire dahil sa kasalanang ito. Bukod dito, ay dapat magbayad ng bagong multa na katumbas ng “average na gastos ng pagpapabalik sa sariling bayan ng dayuhang manggagawang tinanggap ng ilegal”, ito ay upang pondohan ang pagpapabalik sa sariling bansa ng mga dayuhan, pati na rin sa mga integration program sa sariling bansa.
Ang Ministry of Labor ay magsasagawa ng “sapat at epektibong” pagsusuri sa mga lugar na pinaka nasa panganib (isang malaking katanungan kung paano ito gagawin sa mga domestic jobs) at iuulat ang taunang report sa European Commission. Kapag natuklasan ang pagtanggap sa walang permit to stay, ay hihintayin hanggang tatlong buwan upang kalkulahin ang anumang kontribusyon at buwis na pababayaran sa employer.
Ang Gobyerno ay nais ang isang mas malubhang parusa sa mga nagmamaltrato sa mga dayuhang mangagawang ilegal. Sa katunayan, ay tumaas mula sa 1/3 sa kalahati kung ang mga manggagawa ay higit sa tatlo, kung mga menor de edad at mas mababa sa 16 anyos ang edad, at kung sumailalim sa mga malubhang kondisyon, tulad ng pagtatangka at mga kundisyon ng pagmaltrato sa trabaho.
Sa nabanggit na huling kaso lamang, na inaprubahan ng office of the Director of Public Prosecution (procura) kung ang manggagawa ay irereport ang employer at makikipagtulungan sa kaso ay maaaring mabigyan ng humanitarian permit to stay. Tatagal ng anim na buwan at renewable ng isang taon o higit pa hangga’t matapos ang kaso, at maaari ring mai-convert sa permit to stay para sa trabaho kung makakahanap ng panibagong regular na trabaho.
Kung ang dekreto ay mananatili (at ang opinyon naman ng Parlamento ay hindi makaka-apekto dito) ay tiyak na hindi naman magkakaroon ng tila regularization. Alam ng Gobyerno, gaya ng ipinaliwanag sa ulat na kasama ng teksto: ang bilang ng mga permit to stay para sa mga banyagang manggagawang minaltrato ay iilan lamang.