in

Permit to stay sa sinumang makikipagtulungang labanan ang human traffickers at smugglers

Ito ay nagsasaad sa dekreto laban sa terorismo na inaprubahan kamakailan ng Chamber of Deputies. Dinamihan ang mga kundisyong maaaring gawing regular, na tutulong sa pulis, hukom at mga secret agent.

 


Roma – Abril 7, 2015 – Mahikayat ang mga imigrante na i-report ang mga human traffickers. Ito ay sa pamamagitan ng pagtulong sa awtoridad na makilala at maparusahan ang mga may hangaring punuin ang mga kilalang ‘bangka ng desperasyon’.

Isa rin ito sa mga layunin ng decreto contro il terrorismo na inaprubahan kamakailan ng Chamber of Deputies para maging isang ganap na batas. Ito ay napapaloob sa isang panuntunan kung saan dinamihan ang mga tatanggap ng “permesso di soggiorno a fini investigativi”.

Hanggang sa kasalukuyan, ito ay isang uri ng permit to stay na ibinibigay lamang sa sinumang nakikipag-tulungan sa operasyon ng pulisya, imbestigasyon o kasong may kinalaman sa krimen tulad ng terorismo, kahit na internasyunal o ang pagpapabagsak sa demokrasya. Idinagdag rin sa decreto legge ang mga kaso ng “transnational crime”, tulad ng pamamahala sa ilegal na imigrasyon.

Ang pakikipagtulungan ng mga banyagang mamamayan, ayon sa paunang salita ng dekreto, “ay kapaki-pakinabang upang maiwasan ang terorismo”. “Ang ilegal na imigrasyon-dagdag sa paliwanag– ay maaaring maging instrumento sa pagsasakatuparan ng mga gawain ng terorista sa bansa o sa Europa."

Ang "permesso di soggiorno ai fini investigativi” ay malayang ibinibigay ng Chief of Police, sa mungkahi ng pulis o ng secret agent o sa kahilingan ng hukom. Ito ay balido ng isang taon at maaaring ma-renew taun-taon. Sa mga kasong ang kolaborasyon ay nagbigay ng magandang resulta – naiwasan ang isang atake ng terorismo, nabawasan ang epekto nito o nakilala ang mga nag-plano nito – ay maaaring ibigay ang EC long term residence permit o ang carta di soggiorno.  

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Servizio Civile Nazionale – Higit na pagkakataon para sa mga kabataan

Petsa ng entrance exams sa Unibersidad, nakatakda sa Setyembre