Ikatlo ang Pilipinas sa mga beneficiary countries na nakatanggap ng pinakamalaking remittances mula sa Italya.
Una sa listahan ang Bangladesh, 14.2%. Sinundan ng Pakistan, 8.7% at pagkatapos ay ang Pilipinas, 7.4%.
Top ten destination countries for remittances from Italy
Ito ay nasasaad sa updated publications ng Banca d’Italia na ginagawa tuwing ikatlong buwan.
Ayon sa publication (table 1), tumaas ng 3.5 % sa third quarter ng 2022 ang remittance na ipinadala mula sa Italya kumpara sa parehong panahon noong 2021
Naitala din ang halos pare-parehong pagtaas ng remittance na ipinadala sa mga Asian countries (+7.7 %), at mas mababa ang naitala sa North Africa at Near East (+4.7%) at sa Africa subsahariana ( +4.3 %).
Samantala, naitala naman ang pagbaba ng remittances sa mga European countries, lalo na ang mga kabilang sa European Union (-6.6 %).
Para sa karagdagang impormasyon, Rimesse verso l’estero degli immigrati in Italia