in

Pinoy, nangungunang komunidad sa Milan

 “Higit sa 240,000 katumbas ng 18% ng kabuuang bilang ng mga residente ang mga dayuhang nagmula sa 167 komunidad na regular na nakarehistro sa Registry Office ng Milan. Mga Pinoy ang pinakamalaking komunidad.

altRome, Abril 24, 2012 – Mula sa bilang na ito, ang Assessor ng Welfare at Health ng lungsod, sa tema ng imigrasyon at integrasyon, ay nais na rebisahin ang pundasyon ng Development Plan ng nasabing lungsod.

Si Assessor Peirfrancesco Majorino, ay pinasimulan ang mga pagpupulong sa mga mamamayan, mga kinatawan ng mga asosasyon at ng Ikatlong sektor at kinatawan ng mga konsulado, para sa iba’t-ibang interbensyon ukol sa welfare at kalusugan ng lipunan. Sa tema ng imigrasyon ay lumabas ang pangangailangan maging protagonists ang mga local authorities batay sa inidikasyon ng alituntunin ng European Union, na magpapahintulot na ipagpatuloy ang kaukulang hakbang sa emerhensya  (refugees, at humihiling ng asylum) gayun din ang pamumuhunan sa mga proyektong pangmatagalan ukol sa integrasyon.

Sa Milan, ang nangungunang komunidad ng mga dayuhan ay ang mga Filipino, 37,651 mamamayan, sinundan ng mga Egyptian na may 32,605, habang nasa ikatlo naman ang mga Instik 21,344. Kabilang sa 167 komunidad, ay kabilang din ang Pranses bilang ikalabindalawang komunidad, ang mga Aleman ang ikalabinsiyam, ikadalawampu naman ang United Kingdom at Estados Unidos ay ang dalawampu’t-walo.

 “Napakinggan namin ang maraming kuwento ng mga naninirahan sa ating bansa ngayong araw na ito. Ang Milan – ayon pa sa Assessor – ay dapat lumikha, na kasalukuyang ginagawa na, ng isang malakas na synergy sa international communities na nasa ating lungsod, dahil sa pamamagitan lamang nito  malalampasan ang ‘takot sa hindi kalahi’. Ang ating lungsod ay dapat maging lugar kung saan kinikilala at pinoprotektahan ang lahat ng mga mamamayan, Italyano man o dayuhan, ang pangunahing mga karapatan, tulad ng karapatan sa buhay, trabaho, kalusugan, pabahay, edukasyon, kalayaan ng pagsamba, ang kanilang sariling kultura, sa seguridad. Ang antas ng internationalization ay dapat maging pangunahing pundasyon para sa ekonomiya, lipunan at kultura ng lungsod. “

“Bilang mga administrator, nais namin ang kumbinasyon ng seguridad at imigrasyon ay magbago ng kahulugan – ayon kay Security Assessor Marco Granelli. Ang Lungsod ay dapat na para sa lahat at dapat na ligtas para sa lahat. Mula sa pagtatanggal ng mga napabayaang parte ng lungsod hanggang sa walang pahintulot na okupasyon ng mga lugar na ito. Mga sitwasyong nagtatanggal ng dignidad sa mga mamamayan maging sa lungsod na nagpapanggap na di ito alintana. Dahil dito, kami ay lubusang nagtatrabaho na may bagong pananaw, matapos ang isang sunog sa Via Sacile ng Gypsy camps noong nakaraang linggo: kung sino man ang nagnais nito, ang administrayon ay nakakita ng tamang solusyon para sa kanila, salamat sa tulong ng grupo ng Civil Protection at mga volunteers, hindi inihiwalay ang mga anak at mga ina sa kanilang mga ama. Lahat nang may rispeto sa batas”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Huling pagdiriwang ng kapistahan ni BLESSED PEDRO CALUNGSOD, ipinagdiwang ng mga Cebuano sa Roma

Pag-aaral ng wikang italiano