Ang Ministro ng Edukasyon: “Kailangan ng isang proyekto Nation”. Malapit nang ipatupad ang bagong mga patakaran, English courses, exams sa mga sariling bansa at dedicated windows.
Roma – Pebrero 20, 2012 – “Ang mga mag-aaral na pinalaking mayroong international background ay mahalaga sa mga negosyo sa dalawang aspeto: ang mga dayuhang nagtapos ay maaaring makapag-trabaho sa mga kumpanya matapos magkaroon ng kulturang Italyano at ang mga Italyano na sanay na sa international background. Ang ganitong uri ng pag-unlad ay mahalaga para sa lahat”.
Kumbinsido dito ang ministro na si Francesco Profumo, dati na ring rector ng Turin University Institute of engineering and architecture with relative postgraduate schools, na ngayong araw na ito sa Sole 24 ay nagsabi ng pangangailangan ng pagiging internationalize ng mga mag-aaral, na humihikayat sa mga mag-aaral na dayuhan. Isang Nation Project, ganito ang naging tawag, upang tugunan ang nakababahalang katotohanan: sa Italya ay mas mababa sa 4% ng kabuuan, mas mababa sa 8, 5% ng average ng OCSE (Organizzazione per la Cooperazione e lo Sviluppo Economicoo OECDOrganization for Economic Cooperation and Development).
Ang plano ng pamahalaan na baguhin ang pananaw ay nagbibigay ng iba’t-ibang uri ng pagkilos. Mula sa mga kurso sa Ingles hanggang sa mga pagsubok o exam ng pagpili sa mga bansang sinilangan, ngunit nais ding kumilos sa bureaucracy at mga patakaran sa imigrasyon, sa paglikha sa mga unibersidad ng mga “sportelli unici” para lamang sa mga banyagang mag-aaral upang mapagaan ang kanilang pamamalagi sa Italya pagkatapos ng kanilang pagtatapos .
“Ang pagiging internationalize – pagpapaliwanag pa ni Profumo – ay isang investment sa ekonomiya at organisasyon, na pagkatapos nito ay ang bansa ang syang aani. Kung tutulungan natin ang mga banyagang mag-aaral na maka graduate at mag doctorate, ay kailangan nating matiyak na sa ating mga kumpanya sila maaaring magtrabaho, kung hindi, ang buong proyekto ay babagsak sa pinakamahalagang aspeto nito. “
Mayroon ding problema ukol sa panahon. “Ang paraang Anglo-Saxons – paalala ng ministro – ang pagsisimula ng selection sa autumn ng nakaraang school year sa simula ng kurso at ang pagsasara nito ng Enero. Tayo, na nagsisimula ng exam tuwing Setyembre ng parehong taon ng simula ng school year, ay nanganganib na magkaroon ng mga mag-aaral na hindi pumasa sa selection ng ibang bansa. Kailangang i-anticipate ang buong proseso, upang masabayan ang ibang bansa”.
Nilinaw din ni Profumo na upang ipasa ang selection ay hindi na kinakailangang makarating ng bansa ang mga mag-aaral. “Mayroon tayong mga kasunduan sa Cambridge Assessment sa pagkakaloob ng mga internasyonal na mga pagsusulit, na ang mga resulta nito ay maaaring gamitin ng mga mag-aaral na pasado para sa selection ng mga unibersidad sa Italya. Ito ang ideya na maaaring ipatupad mula 2013 matapos itong masubok ang mga test sa ilang pangunahing capitals ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga embassies, consulates, dalawa hanggang tatlong bases sa isang taon para sa mga open courses at itulad ang ating school calendar maging sa mga quotas courses.