Upang malaman sa anumang oras ang kalagayan ng mga puntos, maaaring konsultahin ang website accordointegrazione.dlci.interno.it. Narito ang mga tagubilin ng Ministry of Interior.
Roma – Marso13, 2012–Hindi sapat nalagdaan ang kasunduan. Ito lamang ang simula, ang maituturing na pinakamagaan na bahagi ng kasunduan. Ang mahirap na bahagi, ay magsisimula matapos itong pirmahan, sa panahon na dapat rispetuhin ang sinumpaang tungkulin.
Sa bagong system na sinimulan noong Marso10, 2012para sa lahat ng mga bagong darating sa Italya, ang pag-uugali ng bawat imigrante ay may katumbas na puntos, na maaaring tumaas o bumaba. Magsisimula sa labing-anim na puntos, na sa loob ng dalawang taon ay hindi dapat bababa sa tatlumpu. Ang sinumang hindi magkaroon ng 30 puntos, ay mayroong isa pang taon upang maabot ito, kung hindi ay mapapatalsik sa bansa.
Dalawang detalyadong mga talahanayan ang nagpapaliwanag kung paaano madadagdagan o mababawasan ang mga puntos. Ngunit hindi kinakailangan ang maglista upang manatiling impormado sa mga puntos. Maaring mag log in sa website accordointegrazione.dlci.interno.it na pinamamahalaan ng Ministry of Interior upang malaman ang sitwasyon ng mga puntos at samakatwid ang kinakailangang puntos para maabot ang pinirmahang layunin.
Upang makapasok sa unang pagkakataon sa website, kailangang gamitin ang mga pansamantalang credentials na makukuha sa Questura o sa Sportello unico matapos pirmahan ang kasunduan na magbibigay-daan upang makumpleto ang proseso ng pagrehistro sa nasabing website. Para sasusunod na pagpasok sa website, ay maaari gamitin ang e-mail address at password. Narito ang mga tagubilin ng Ministri.