in

Reddito di Inclusione, aprubado na!

Ang Reddito di inclusione o REI ay ang bagong tulong pinansyal ngunit ang sinumang tatanggap nito, Italians at mga dayuhang mayroong carta di soggiorno, ay sasailalim sa job oriented and placement trainings. 

 

 

Roma, Abril 12, 2017 – Napapaloob sa inaprubahang documento di economia e finanza kahapon sa lower house, ang awtorisasyon sa gobyerno na ipatupad ang Reddito di inclusion attiva (REI). Ito ay isang tulong pinansyal at ang sinumang tatanggap nito ay sasailalim sa isang formation at job placement courses. 

Ang REI ay isang tulong pinansyal na nakalaan sa mga mamamayang namumuhay sa kahirapan. Ito ay kahalili ng SIA o Sostegno di inclusion attiva na ipinatupad ng gobyerno noong nakaraang Setyembre. Ngayong tapos na ang sperimental period ng SIA, ay inaasahan naman ang RIA, bilang kapalit ng carta SIA na inaasahang magsisimula ngayong Setyembre.

Kaugnay nito, ang mga mamamayang nasa mahirap na sitwasyon – trabaho, pinansyal at tirahan – ay maaaring umasa sa bagong tulong. Ngunit ito ay hindi ipagkakaloob ng walang kapalit. Ang mamamayan, sa katunayan, na beneficiary ng tulong pinansyal ay obligadong pirmahan ang isang personalized agreement sa Comune batay sa mga itinalagang commitment tulad ng:

  • Pagpapa-aral sa mga anak at pagpapanatiling maayos na partesipasyon at grado ng mga ito;
  • Pangangalaga sa kalusugan ng mga bata;
  • Pagsusumikap at aktibong paghahanap ng trabaho, upang mapabilis ang reintegration ng mga nawalan ng trabaho at naghahanap ng trabaho sa pamilya.

Sa bagong proyekto ay magiging bahagi ang Comune na magtutustos sa tulong at magbibigay ng personalized agreement sa mamamayan; ang Inps naman ay ang pampublikong kinatawan na magpapatupad sa proyekto at mangangasiwa sa pagtanggap ng mga aplikasyon buhat sa mga mamamayan at magpapadala nito sa mga angkop na tanggapan sa pamamagitan ng online services nito at ang Ministry of Labor and Social Policies naman ang susubaybay at susuri sa pagiging epektibo ng bagong benepisyo na may layuning social integration ng mga pamilya sa kabila ng kahirapan. 

Tulad ng ipinaliwanag ni Minister Poletti matapos maaprubahan ng Ddl povertà sa Senado, “Sa lalong madaling panahon, dahil sa pagkakaroon ng resources (1,6 billion para sa 2017) ay magpapalabas ng dekreto na magpapalawak sa beneficiaries nito hanggang 400,000 pamilya sa kabuuang 1,770,000 katao”.

Samakatwid, ang 400 euros ng SIA ay itataas sa 480 euros ng RIA. Gayunpaman, upang malaman ang eksaktong halaga ay kailangang hintayin ang paglabas ng dekreto na nagtataglay ng implementing rules and gudielines nito. 

Sa kasalukuyan, ay maaari lamang ihalintulad sa dating SIA ang mga requirements nito tulad ng:

  • pagkakaroon ng mga menor de edad sa pamilya;
  • pagiging single parent;
  • pagkakaroon ng may kapansanan sa pamilya;
  • pagkakaroon ng mga walang trabaho sa pamilya;
  • pagkakaroon ng ISEE hanggang 3,000 euros

Kaugnay nito, ang RIA, ayon kay Minister Poletti, ay nakalaan sa mga Italians at mga dayuhang permanent residents o mayroong carta di soggiorno. 

 

PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto flussi, paano mag-aplay ng nulla osta pluriennale?

Labanan ang Bossi-Fini law, hangad ng citizens’ iniziative!