in

REGULARISASYON SA MGA NAKATANGGAP NG ORDER OF EXPULSION.

Desisyon sa Feb 21 mula sa Konseho. Isyung pinaka kontrobersyal ng huling regularisasyon ng mga colf at care givers.

Sa loob ng isang linggo ay malalaman kung ang sinumang nahatulan sa hindi pagsunod sa ‘foglio di via’ (order of expulsion) ay may karapatan sa isang regularisasyon. Ang Konseho ay magpupulong sa ika 21 ng Pebrero, at maghahayag ng naging desisyon nito na makaka-apekto sa libu-libong mga dayuhang domestic helper at caregivers.

Ang kautusan na nagbigay ng pagkakataon na maging regular ang mga colf ay malinaw na nagsasaad na ang isang lumang deportasyon ay hindi isang balakid upang maging regular at upang makakuha ng permit to stay.

Pero hindi malinaw para sa sinumang nagkaroon ng foglio di via o order of expulsion at muling nahuli bilang iligal na nananatili ng bansa, samakatwid ay nahatulan at pinababalik ng sariling bansa sa pangalawang pagkakataon.

Sa mga kasong ito, ang ilang mga Police headquarters (Questura) ay pinahihintulutan pa rin ang regularisasyon, ang iba naman ay hinihinto ang regularisasyon at binibigyan ng panibagong order of expulsion, hanggang sa makalipas ang halos isang taon, isang circular ang pinalabas ng Chief of Police Antonio Manganelli ng may mas mabigat na linya. Maraming mga tribunal court ang hindi sumangayon dito kung ang desisyon ay hindi manggagaling mula sa pagpupulong (adunanza plenaria) ng Konseho ng Estado.

‘Naging maingay ang mga portesta sa isyu, tulad ng mga manggagawang dayuhan na binarikadahan ang kanilang sarili sa isang construction site sa Brescia, na sinuportahan ng pagkakaisa ng mga mamamayan at asosasyon,’ ayon sa isang kilalang project non-profit organization (Progetto diritti onlus). Ang association ay magsasalita sa susunod na Lunes dala ang kanilang dokumentasyon sa harap ng pagpupulong (adunanza plenaria) upang tuligsain ang hindi makatwirang interpretasyon ni Manganelli.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Direct Hire: Subaybayan on line ang inyong mga aplikasyon!

FUTURE PROFESSIONS?