Unang ulat ng Ministry of Interior ukol sa regularization. Maraming rejected.
Roma – Pebrero 8, 2013 – Halos sampung libong mga banyagang manggagawa sa wakas ang magkakaroon ng permit to stay, habang ang mga pamilya o mga kumpanya ay makakatiyak na ligtas sa anumang parusa at multa. Samantala, para sa sampung libo, gayunpaman, ang tila pakikipag-sapalaran ay tapos na.
Ito ay ang unang datos ng pinaka-huling regularization, makalipas ang halos apat na buwan matapos ang pagpapadala ng mga application. Hanggang noong 15 Oktubre ay umabot sa halos 135,000 ang mga aplikasyon at hanggang kahapon ay higit sa 50,000 ang maituturing na mga regular worker, tulad ng mababasa sa isang nota na ipinalabas ngMinistry of Interior na matatagpuan sa bandang ibaba ng pahina.
Simulan natin sa mga nakapasa at nakapsok. Halos 10,000 mga employer at mga worker ang nagtungo sa Sportello Unico dell'Immigrazione upang pirmahan ang contratto di soggiorno at ang request ng first issuance ng permit to stay. Samakatwid, ang employer, worker at hiring ay mayroong regular na employment.
Marahil ay ganito rin ang magiging kapalaran ng 8,000 mayroon ng appointment, at para naman sa 20,000 ay binigyan na ng "go signal'' ng Questura at Prefettura, samakatwid ay naghihintay na lamang ng appointment. Samantala, ang 6,000 namang nangangailanagn ng karagdagang dokumentasyon: kung sakaling maibibigay ang mga dokumento na hinihingi ng tanggapan (Sportello Unico) ay magpapatuloy sa proseso at kabaligtaran naman kung hindi maibibigay ang mga hinihinging dokumento.
Pawang hindi tanggap ang lahat at tila 10,000 sa kabuuang 50,000 ang maituturing na rejected. At kung sakaling ito ay kukumpirmahin sa mga susunod na ulat, ang nasabing regularization ay lalong hindi maituturing na isang tagumpay tulad ng sinasabi ng marami, batay sa bilang ng natanggap na aplikasyon kumpara sa totoong bilang ng mga undocumented.
Sa unang bahaging ito, ang conclusion ay malayo pa. Ito ay dahil din mula sa kabuuang bilang ay ibabahagi ang mga ito sa mga Provincia at malaki ang mga magiging pagkakaiba.
Sa Roma, ang head ng Sportello Unico sull'Immigrazione Fernando Santoriello ay ipinaliwanag na "ang mga aplikasyon na nasuri na at kasalukuyang sunusuri ay mayroon ng opinyon ng Questura at ng Direzione Territoriale del Lavoro ay halos 3,500. Ang 1,500 ay nagtapos na sa pamamagitan ng pagpirma ng contratto di soggiorno at first releasing ng permit to stay, halos isang libo ang hinihingan ng karagdagang dokumento o ang negatibong opinyon ay ipinadala na rin ang convocations. "
Mga rejected? "Hanggang sa ngayon ay wala pa kaming tinatanggihan. Kung negatibo ang opinyon, kadalasan ay hinihingan namin ng karagdagang dokumento o pinapadalhan namin ng abiso. Matagal bago tanggihan ang isang aplikasyon. Natural – ayon kay Santoriello- na ang aplikasyon na walang anumang problema ay mabilis na magtatapos".