in

“Regularization, napalampas na pagkakataon” – Cepa

Inas, Inca, Ital at ACLI: "Nagkaroon ng sobrang paghihigpit, sa kabila ng aming mga paalala sa pamahalaan Ang bilang ng mga application ay napakababa kumpara sa totoong bilang ng mga hinid regular na trabaho."

Roma – Oktubre 23, 2012 – Ang regularization ay para sa nakararami sana, ngunit kakaunti lamang ang nakinabang dahil sa mga limitasyong ibinigay ng pamahalaan. Ito ay natunghayan sa pamamagitan ng mga workers at mga employers na lumapit sa mga counter/window ng mga unyon at isa lamang sa bawat apat ang nagkaroon ng posibilidad na isumite ang application.

Ang nagbigay diin sa kahulugan ng '"napalampas na pagkakataon" ay ang Cepa, ang organo na pinagsasama-sama ang Inas, Inca, Ital at ACLI. Ang apat na patronati ay nag-aapela sa isang pahayag na “sila ay nagsumikap sa pangangampanya sa sanatoria. Ito ay sa kabila ng mga paghihigpit na napapaloob sa batas at sa kabila ng mahigpit na interpretasyon sa aplikasyon."

Isang pahayag na tila nakalaan para kay Andrea Riccardi. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas, sa isang panayam ng Corriere della Sera, ang Ministro sa Integrasyon sa katunayan ay inireklamo ang "mas mababang papel kaysa sa nakaraan" na nais ibigay ang responsabilidad sa mga patronati sa huling sanatoria na marahil ay hindi naging mapanghikayat at sa halip ay nakatuon sa mga ‘limitasyon’ ng pagkakataong ipinagkakaloob.

Ipinapaalala ng Inas, Inca, Ital at ACLI sa halip, ang “pagbibigay namin ng paalala sa mga huling linggo sa Gobyerno at sa administrasyong publiko dahil lumampas sa labis ang paghihigpit sa regularization para sa mga employer at mga worker. Mga hadlang ang pinansyal at ang mga katibayan ng pananatili sa bansa na pinagaan lamang sa pamamagitan ng isang interpretasyon noong Oct 4 lamang, halos katapusan na ng regularization”.

“Aming tungkulin ang proteksyunan ang sinumang lumapit sa amin, at kumilos ng ayon sa ipinag-uutos ng batas”, paunang salita ng mga patronati. Samakatwid ay aming ipinapaalala na sa panahon ng sanatoria kami ay nagkaroon ng contacts na higit ng apat na beses kaysa sa bilang ng mga aplikasyon. Para sa ¾ ay hindi naging posible ang magsumite ng aplikasyon dahil hindi angkop at hindi sapat ang mga requirements tulad ng hinihingi ng batas”.

“Naniniwala din kami – ayon pa sa Cepa – na ang kabuuang bilang ng mga application ay napakababa kumpara sa katotohanan ng hindi regular trabaho na mayroon sa bansa at ang mababang bilang ng mga aplikasyon mula sa mga kumpanya, ang 14% ng kabuuang bilang, ay nagpapakita na ang pagkakataong ipinagkaloob ay hindi nasamantala”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta blu EU: di cosa si tratta?

Pope nominates new cardinals