in

Reporma sa citizenship at right to vote, nasa Parliyamento na

Iniharap kahapon sa Kamara ang mga teksto ng kampanyang “L’Italia sono anchi’io”. Limampung libong pirma lamang ang kinakailangan ngunit ang isinumite ay higit sa kalahati.

altRoma – Marso 7, 2012 – Pagbabago ng batas sa pagkamamamayan at bigyan ang mga imigrante ng karapatan sa halalang lokal.

Ito ang kahilingan ng higit sa isang daang libong mga mamamayang Italyano na kusang loob na pumirma sa dalawang reporma sa pangunguna ng mga mamamayan ng kampanyang “L’Italia sono anchi’io”, na pinamunuan ng 19 na  asosasyon na nangalap ng pirma sa mga huling nakaraang buwan. Kahapon, ay inilatag ang mga ito sa Chamber of  Deputies.

Ang panukalang reporma ng pagkamamamayan ay magbibigay ng karapatang ito sa sinumang ipinanganak sa bansa buhat sa isang dayuhang magulang na regular sa bansa ng kahit na isang taon lamang o buhat sa isang magulang na ipinanganak na rin sa Italya, ngunit dito nag-aaral para sa isang scholastic cycle o maaaring dumating hanggang sa edad na sampu sa bansa hanggang sumapit ang pagiging 18 anyos. Samantala ang mga adults naman ay maaaring magkaroon ng karapatang maging mamamayang Italyano, matapos ang limang taong regular na pagiging residente ng bansa.

Ang panukala naman ukol sa karapatang bumoto ay magbibigay ng karapatang bumoto at iboto sa halalang lokal sa munisipyo, probinsiya at rehiyon ang mga imigrante na legal na naninirahan sa Italya ng limang taon. Maaaring magpatala ang mga imigrante sa isang electoral list, tulad ng ginagawa ng mga EU-nationals sa kanilang partesipasyon sa halalan sa mga munisipyo.

Upang maiharap sa Parliyamento, ang bawat panukala ay nangangailangan ng hindi bababa sa 50 000 mga lagda buhat sa mga mamamayang Italyano, isang layuning naabot at nahigitan pa. Sa citizenship, sa katunayan, ay nakapangalap ng 109,268 signatures at 106,329 signatures para naman sa boto. Sa ngayon sa Parliyamento nakasalalay ang lahat, upang maiwasan na ang presyon mula sa mga mamamayan ay hindi mauwi sa wala.

Dahil din sa mga kadahilanang ito, ang kampanya na “L’Italia sono anchi’io” ay hindi hihinto, bagkus ay magpapatuloy na magpanukala ng mga bagong reporma. “Kami, magmula sa mga oras na ito ay magsisimula ng mga pagkilos na magtutulak sa Parliyamento upang gampanan ang tungkulin na hindi mabibigo ang inaasahan ng mga milyon-milyong mamamayan” ayon sa spokesman na si Graziano Del Rio, ang alkalde ng Reggio Emilia at Pangulo ng Anci.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipino Dishes during Lent season

Bonino – “Igalang ang panahong nakatakda para sa mga permit to stay”