in

Request para sa pagpasok ng mga ‘beteranong’ seasonal workers, umpisa na!

Ang mga manggagawa na mayroong long term clearance o permit ay maaaring pumasok ng Italya nang hindi na maghihintay ng anumang ‘direct hire’. Kung ang mga employer ay muling tinawagan ang mga ito, kailangan lamang i-fill up online ang isang form.

altRome – Enero 5, 2011 – Noong nakaraang Marso sa pamamagitan ng ‘Direct hire’ ay pinayagang muli ang pagpasok sa Italya ng 60,000 seasonal workers para sa agrikultura at turismo. Sila ay nag-trabaho sa fields, vineyards, mga hotel o restawran na sa ngayon, sa loob ng ilang buwan, ay hindi na kakayaning wala ang mga manggagawang ito.

Marami sa kanila ay maaaring bumalik dito sa Italya ngayong 2012, nang hindi na maghihintay pa sa isang bagong kautusan. Kailangan lamang ang kompirmasyon buhat sa mga employer na magpapatunay sa pangangailangan sa kanila, at makakatanggap na ng entry visa upang makapasok muli sa Italya. Isang bagong panuntunan na magpapabilis sa mga pamamaraan ng pagpasok ng mga seasonal workers nang hindi hihintayin pang malanta o mabulok ng bureaucracy ang pag-aani.

Lahat ng ito ay dahil sa “long term clearance” (o nulla osta pluriennale) na, mula noong nakaraang taon, ay maaaring hilingin sa proseso ng direct hire ng mga employer, isang pribilehiyo para sa mga manggagawang nag-trabaho na sa Italya sa dalawang magkakasunod na taon. Kung dumating ang clearance o permit na ito, mula ngayon ang mga employer ay maaaring humiling ng hiring ng mga “beterano” nang hindi na kailangan pang maghintay ng direct hire.

Lahat ay maaaring gawin online, ng nag-iisa o sa tulong ng mga asosasyon. Sa unang kaso, dapat kumpletuhin ang isang communication of confirmation para sa long term seasonal job (Form CSO) na makukuha sa website: nullaostalavoro.interno.it, sa pangalawang kaso naman, ang mga awtorisadong operator ay matatagpuan ang parehong form sa website: sportellounicoimmigrazione.interno.it.

Ang komunikasyon ay darating sa pamamagitan ng Internet sa Italian Embassy sa bansa kung saan namumuhay ang manggagawa, at maaaring humiling ng entry visa sa panahong makikita sa dokumentasyon ang mga salitang “NULLA OSTA INVIATO ALL’AUTORITÀ CONSOLARE”, sa website  domanda.nullaostalavoro.interno.it. Upang makapasok sa website na ito, ay kinakailangan ang username at password na ginamit ng employer sa komunikasyon. Gayunpaman, dapat ring ipadala sa manggagawa ang isang kopya ng clearance o permit na ipinagkaloob ng Sportello Unico per Immigrazione.

Sa panahong hawak na ang entry visa, ang manggagawa ay maaaring pumasok sa Italya at, sa loob ng walong araw, ay dapat na magtungo sa Sportello Unico kasama ang employer upang pirmahan ang kontrata (contratto di soggiorno). Sa puntong ito, ay kumpleto na ang lahat ng kinakailangan upang mag-umpisa sa trabaho.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Self-certification, para rin sa mga imigrante.

Winter Sale, umpisa na!