in

Requirements sa Renewal ng mga Pasaporte, nilinaw ng DFA

Nito lamang Enero 15, 2019, pinirmahan at inilabas ng Kagawaran ng Ugnayan Panlabas sa pamamagitan ng Kalihim nito, Teodoro L. Locsin Jr ang isang kautusan para sa mga nagnanais mag-renew ng kanilang pasaporte.

Kinilala ng kalihim ang karapatan ng mga Pilipino para makapaglakbay ng walang sagabal liban na lamang kung malalagay sa panganib ang pambansang seguridad, seguridad ng mamamayan at kaligtasan pangkalusugan ayon sa Saligang Batas.

Batay na rin ito sa Repblic Act no. 8239 at IRR nito, na nagsasabing dapat minimal lamang ang kailangan rekisitos para sa pagkakamit ng pasaporte at iba pang dokumento na kakailanganin ng aplikante sa pagbibiyahe.

Malinaw sa inilabas na kalatas ng kalihim na hindi oobligahin ang aplikante na magpasa ng PSA Birth Certificate kung regular ang renewal ng tinataglay na pasaporte (o Electronic Passport sa kasalukuyan). Samakatwid, application form at lumang pasaporte lamang.

Ngunit kung may pagbabago sa mga datos ng aplikante tulad (kung siya ay nagpakasal, dual Citizenship, nagbago ng apilyido at babaguhin ang mga data sa pasaporte, ang PSA Birth Certificate ay nananatiling oobligahin.

Dagdag pang paglilinaw na nananatiling oobligahin ang PSA Birth Certificate kung: 1) unang aplikasyon para sa pasaporte; 2) lost passport o may sira, 3) kung ang pasaporte ay luma (old brown and green) na hindi kumpleto ang panggitnang apilyido (MI); 4) obligadong may dapat baguhin sa mga datos at 5) napapabilang sa watchlist ng DFA.

Katanungan:

Kakailanganin ba ang PSA Birth Certificate ng mga menor de idad?

Malinaw na maging sa mga menor de idad ay patuloy na oobligahin ang pagpapasa ng PSA Birth Certificate kung ang renewal ng pasaporte nito ay maituturing na hindi regular at nasasaklaw ng mga kundisyong nabanggit sa itaas.

Bagaman bagay na tinutulan ng mga samahan ng mga OFW sa kadahilanang nagiging pabigat, abala at pahirap ito para sa mga nagtatrabahong magulang. Matatandaang naglabas din ng pag-aalala ang komunidad ng mga Pilipino sa Italya sa napabalitang pagtangay ng buong data base na naglalaman ng mga datos ng mga aplikante sa kinuhang Contractor ng DFA na siyang mag-iimprenta sana ng mga pasaporte. Ganoonpaman, pinaniniwalaang magpapagaan ang nasabing kautusan para sa magsisipag-aplay ng bagong pasaporte.

 

Ibarra Banaag

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Asembleya ng mga lider ng Filipino Community sa Northern Italy, pambungad na aktibidad ng PCG Milan

Reddito di Cittadinanza, mga dapat malaman