in

Riccardi: “Tugisin ang sinumang naghahasik ng galit sa web”

Ang Ministro ng Integrasyon: "Kailangan ang mga bagong instrumento, tulad ng mga ginamit laban sa child pornography." "Ang krisis sa ekonomiya ay maaaring maging dahilan ng paghihiganti”.

Rome, Setyembre 25, 2012 – "Sa Italya ay tila tumataas ang mapanganib na rasismo at hindi pagtanggap sa hindi kalahi, at lumalala ang mga natatala sa internet ukol dito. Ang panganib sa panahon ng krisis ay maaaring magpasiklab sa isang tunay na paghihiganti sa hindi kalahi: dayuhan, imigrante, Hebrew, gypsy. Gayunpaman, ito ay hindi ang unang pagkakataon sa kasaysayan.

Ito ang naging pagsusuri ng Ministro ng International Cooperation at Integration Andrea Riccardi, na tinatalakay kasama ang Ministro ng Katarungan Paola Severino ang "masolusyunan ang rasismo sa web”, at “tugisin ang mga naghahasik ng galit at rahas”. Ang internet, tulad ng naging kumpirmasyon ng isang ulat na inilabas ilang linggo na ang nakakalipas ng network ng mga asosasyon , ay tunay “na instrumento na nagbibigay laya sa mga gumagawa ng krimen”.

 “Hindi na kailangang lumayo pa, paalala ni Riccardi – isipin na lamang ang pangyayari sa Florence ng mga Senegalese o ang terrorist attck sa Hebrew school sa Toulouse upang maunawaan na ang mga terorista at ekstemista ay napapalala ang galit sa pamamagitan ng mga blogs at website na tahasang naghahasik ng galit”.

"Ang network – ayon sa ministro – ay hindi dapat sisihin: ito ay isang mahalagang instrumento ng komunikasyon at ng kalayaan. Ngunit ang babala ng galit sa hindi kalahi ay patuloy na tumataas at lumalakas, lalo na sa panahong tulad sa kasalukuyan. Dahil dito, mahalagang talakayin para sa akin, matapos pakinggan ang mga asosasyon ng mga imigrante at komunidad ng mga Hebrew, kami ay magkakaroon ng mga pagpupulong ni Ministro Severino upang masolusyunan ang rasismo sa web”.

"Mayroon tayong mga instrumento sa Italya upang labanan ang mga propaganda ng rasismo, kung mga poster, banner, mga pahayagan, public declaration at registered website sa Italya. Mas kumplikado sa halip ang pagtugis sa internet dahil ang mga website at blog na naghahasik ng galit at rahas sa wikang italyano, ngunit mga Italians ang mga viewers at followers ay mayroong provider sa ibang bansa, mga bansang iba ang batas.

"Para sa isang kategorya ng krimen na tunay na nakakagalit tulad ng child pornography, paalala ni Riccardi – ay mayroong mga instrumento upang malimitahan ang paglaganap nito, at napaparusahan maging ang mga paminsan-minsang follone ng mga ito, nasisismulan ang mga international ccoperation sa pagitan ng mga pulis buhat sa iba’t ibang bansa hanggang sa pagtatanggap sa internet ng website sa Italya. Sa nagyon ay kailangang maunawaan, ang teknikal at legal na antas kung paano ang positibong epekto ay mai-angkop din upang malabanan ang mga naghahasik ng galit at rahasa sa web”.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

24.577, kabuuang bilang ng mga aplikasyon

Colf, caregivers at babysitters – Oct 10, deadline ng kontribusyon ng Inps