in

Sampung libong lagda para sa citizenship at karapatang bumoto ng mga migrante

Maganda ang naging simula ng pangangalap ng mga lagda para sa kampanya ng dalawang mga panukalang nagbuhat mula sa mga mamamayan, kilala bilang “L’Italia sono anch’io” Miraglia (ARCI): “Ito ay mga isyu na ninanais ng mga mamamayan, usapin ito ng kinabukasan ng Italya”

Rome – Pagbabago ng mga patakaran sa citizenship at gawing mamamayang italyano ang ikalawang henerasyon, gayun din bigyan ng karapatang bumoto ang mga migrante sa lokal na halalan. Ito ang dalawang layunin ng kampanya “L’Italia sono anch’io”,  tila malayo pa rin, ngunit noong nakaraang linggo ay naganap ang mga positibong hakbang ukol dito.
Sampung libong mga lagda ang napangalap sa buong Italya sa bawat isa sa dalawang panukalang inisyatiba ng mga mamamayan na pinangunahan ng dalawampung asosasyon. 40,000 pa ang kakailanganin, na dapat makumpleto hanggang sa katapusan ng Pebrero upang sa wakas ay makakatok sa pintuan ng Parlyamento.

“Ang resulta sa ngayon ay tunay na positibo. Karamihan ay humihinto upang humingi ng impormasyon at pumirma. Para sa amin ito ay isang kumpirmasyon ng kabutihan ng ideya sa likod ng inisyatiba; Mamuhunan ang bansa, at ang lahat ng mga mamamayan ng isang positibong talakayan ukol sa migrasyon, na malayo mula sa karaniwang paghahasik ng takot at kawalan ng kapanatagan para sa isang maayos na politika ” ayon pa kay Filippo Miraglia, Immigration Officer ng Arci sa interview ng Stranieriinitalia.it.

alt“Noong nakaraang taon – dagdag pa nito- ay ipinanganak sa Italya ang halos 78,000 sanggol na kailangang maghintay ng labing-walo taon upang maging ganap na Italyano. Ang katanungan ay  kung ano ang kanilang magiging kinabukasan, samakatuwid ano ang magiging kinabukasan ng ating buong bansa; ito ay mahalaga sa mga mamamayan, kailangan nating mamuhunan lahat.  Ito samakatuwid ay dapat ring maging mahalaga sa mga humaharap sa politika. “

alt

Ang karapatan sa pagboto ng mga migrante at reporma sa citizenship ay hindi bagong mga tema sa Parlyamento. Ang bill na isinumite sa ngayon ay palaging naiiwan. Bakit ang kampanyang ito ay kailangang magkaroon ng kakaibang patutunguhan?
“Dahil ito ay nagbuhat sa ibaba at ang politika ay hindi maaaring hindi ito pagtuunan ng pansin” sabi pa ni Miraglia. “Ang aming panukala ay simple lamang at malinaw kung saan ito dapat ayunan. Ang mga ito ay isang uri ng reperendum ukol sa migrasyon na tunay na humaharap sa kinabukasan ng bansa. Isang publikong debate na kung saan ang politika ay hindi dapat ito takasan.”

Samantala, patuloy ang pangangalap ng mga lagda. Noong nakaraang linggo ay tatlumpung aktibong lokal na komite ang kumilos, habang ang iba naman ay binubuo pa sa lahat ng iba pang mga rehiyon at lungsod, mula sa Trentino sa Sisilya, mula sa Friuli hanggang sa Sardinia. “Hindi magtatagal ay madodoble ang bilang ng mga komite. “Ayokong magsalita ng tapos, ngunit kung ito ay magpapatuloy ay maaaring malampasan pa ang 50,000 mga lagda sa parehong ng mga panukala.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

The Matigsalug Cotton Weaving Project

From Diaspora to Development