in

SANATORIA: Mula sa Senado, isang pag-asang magkakahalaga ng 1,000 euro

Mula sa komisyon ng Constitution and Justice Affairs, ipatutupad ang mga bagong parusa sa mga employer ng mga undocumented. Sa kondisyon, na ang pamahalaan ay magpapatupad rin ng bagong regularization.

Roma – Hunyo 15, 2012 – Nananatiling malayo pa rin, ngunit isang ‘abot-tanaw’ na regularization.

altNagbukas ng pinto ang Senado, kung saan ang mga partido ng PDL, PD at Terzo Polo ay nagkaroon ng kasunduan sa isang tahimik na pagpupulong sa loob ng komisyon at humihiling sa gobyerno na kumilos. Hindi lamang ito, kundi nagbibigay din ng mga indikasyon ukol sa detalye ng magiging prosedura: 1,000 euro na babayaran ng mga employer sa bawat undocumented na mangagagawa na magliligtas sa mga employer upang maparusahan, samatala sa mga undocumented naman ay ang pagkakaroon ng permit to stay.

Isang pagbabalik tanaw. Ang lahat ay batay sa draft ng ddl ng Abril 16 mula sa Konseho ng mga Ministro sa pagpapatupad ng Directive 2009/52/EC o (schema di decreto legislativo licenziato il 16 aprile dal Consiglio dei ministri per recepire la direttiva 2009/52/Ce), na nagbibigay ng mga pamantayan ukol sa mga kaparusahan ng mga employer na tumatanggap sa mga manggagawang hindi regular. Sumailalim sa opinyon ng Kamara at Senado, muling bumalik sa gobyerno at hinihintay ang final approval ng nasabing draft.

Permit to stay

Tulad ng inilabas mula sa Palazzo Chigi, ang teksto ay magpapahintulot sa regularization ng mga manggagawa sa mga piling kaso lamang.

Sa ngayon, ang sinumang mag-eempleyo sa undocumented immigrant ay pinaparusahan ng pagkakabilanggo mula tatlong buwan hanggang sa isang taon at ang multa ng 5000 € sa bawat manggagawa. Dagdag sa mga ito ang administrative sanctions para sa paglabag batas ng pagpapasahod at panlipunang obligasyon sa seguridad. Expulsion naman ang kaparusahan para sa manggagawa.

Ang draft ng nabanggit na dekreto, ay nagsasaad ng mas malubhang parusa sa kaso ng exploitation. Ang parusa sa employer ay madadagdagan (mula one-third hanggang kalahati) kung mayroong higit sa tatlong undocumented workers, kung mas bata sa 16 na taong gulang, o ang mga ito ay   napailalim sa “kondisyon ng matinding panganib”, ukol sa “karakteristiko ng ibinibigay na serbisyo at ang kundisyon sa trabaho”.

Sa mga kasong tulad lamang ng; kung ang manggagawa ay ni-report ang employer at nakipagtulungan sa panahon ng proseso ng kaso, ay maaaring magkaroon ng humanitarian permit to stay. Anim na buwan ang validity nito at renewable hanggang isang taon o higit, hanggang sa katapusan ng kaso, at convertible sa isang woking permit to stay, kung sakaling ang manggagawa ay magkakaroon ng bagong regular na trabaho.

Samakatuwid, ito ay maliwanag na hindi isang regularization ng masa, at isang bagay na isinasantabi ng kasalukuyang administrasyon. “ Para naman sa bilang o dami ng mga possible beneficiaries ng temporary permit to stay, ay maaaring mabale-wala”, tulad ng mababasa sa teknikal na ulat na napapaloob sa draft, na nagtataglay rin ng isang mapanganib na pagtatantya na hindi bababa sa 2,000 lamang.

Senado: “Sumangayon sa dekreto, ngunit humihingi pa rin ang isang regularization”

Ika-5 ng Hunyo ang Constitution and Justice Affairs Commission ng Senado ay nagpahayag ng positibong opinyon sa draft ng dekreto, ngunit sa kondisyong haharapin ng gobyerno ang isang bagong regularization.

“Upang matiyak ang pagiging epektibo ng bagong sistema ng pagparusa – isinulat ng mga senador – kinakailangan na ang pagpapatupad ng mga bagong patakaran ay mag resulta ng paglitaw ng mas malawak na lavoro nero, ang pagbawi sa buwis at kontribusyon para sa bansa at ang pagbibigay proteksyon at pangangalaga naman sa mga exploited immigrants”. “Ang susing ito ay mahalaga upang makita ang hindi pagpapataw ng mga parusang ito sa mga employer na pipiliing mag-report at lumitaw na handang gawin ang pag-aayos ng posisyon ng kanyang trabahador, gayun din ang pagbabayad ng tamang sahod at pagbabayad din ng mga di-binayarang kontribusyon”.

Ang pamahalaan samakatuwid ay dapat maglaan ng “isang transitional period kung kailan ang mga interested parties, sakop ang mga employers na dayuhan ng mga EU long term residence permit holders, ay maaaring boluntaryong magpasakop sa bagong mga alituntunin upang maiwasan ang mas malalang kaparusahan, sa pagde-deklara, hanggang sa itatakdang panahon, ng irregular job, ang obligasyon ng pagbabayad ng sahod, kontribusyon at buwis katumbas ng halos tatlong buwan at ang pagbabayad ng isang kontribusyon na nagkakahalaga ng 1,000 para sa bawat manggagawa.

Ang mga manggagawang saklaw ng “procedimento di emersione dall’irregolarità”, ay hindi paparusahan para sa kanyang kundisyon bilang undocumented, sa halip ay pagkakalooban ng permit to stay sa trabaho. Ngunit ang senado ay hinihiling sa gobyerno na maglaan din ng mga “mahigpit na mekanismo ng pagsusuri upang maiwasan ang mga pang-aabuso at upang maiwasan ang aplikasyon ng mekanismo sa mga dayuhang nahatulan o deportado dahil naging mapanganib sa pampublikong kaayusan at seguridad ng bansa”.

Sa madaling salita ay humihingi ng isang sanatoria para sa mga dayuhan, para sa mga kumpanya at mga pamilya. Walang bago, higit lang na mas mataas ang halaga kaysa sa nakaraang sanatoria. Isang aral lamang buhat sa nakaraan ang itinuturo, halos sa lahat ng mga kaso ay mga manggagawa at hindi mga employers ang nagbayad ng regularization, at ang halagang 1,000 euros at talaga namang napaka mahal.

Para sa bansa, ito ay maituturing na isang “pagkakataon”. Sa 500,000 mga aplikante nito (tulad ng pagtatantya sa bilang ng mga kasalukyang undocumented sa bansa), ay isang sigurado at mabilis na 500,000,000 euros na umaatikabo ang papasok, at kung idadagdag ang 5 billion euro na buwis at kontribusyon, ay lalong higit na magiging mahalaga, ayon sa CGIL, ang mga bagong 500,000 regular at documented na mga manggagawa.

Ang lahat ay nasa palad ng gobyerno. Ang opinyon ng Senado ay walang mapagpipilian, ngunit ayon sa mga dalubhasang propesor, ay tila mahirap isantabi ang indikasyon ng majority na pabor dito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang pastol na galing sa kabundukan

Family allowance (assegno familiare), narito ang bagong pamantayan sa sahod