Sya ang responsabile sa mga permit to stay, citizenship, asylum at direct hire. Lawyer at propesor sa private law sa Sapienza.
Rome – 17 Ene 2012 – Ang under secretary Saverio Ruperto, propesor ng private law, upang tulungan ang Ministro sa immigration Anna Maria Cancellieri. Sa pamamagitan ng isang atas na nai-publish sa Opisyal na pahayagan, ang ministro ay ipinagkatiwala sa kanya ang mga tema ukol sa mga imigrante sa Italya.
Si Ruperto ay mayroon na ngayong boses sa House sa mga tema ukol sa mga imigrante na may kinalaman sa Kaligtasan ng Publiko, sa issuance at renewal ng permit to stay, at lahat ng may kinalaman sa Kagawaran ng Kalayaang Sibil at Imigrasyon, tulad ng citizenship, asylum at Direct hiring. Maaari ring pumirma ng mga attribution o denials ng citizenship, ang pag-apruba ng appointee ng mga di-Katolikong ministro at ang appointee ng mga ministrong ng relihiyon na awtorisado sa tulong sa mga bilanggo at internees.
Ayon sa isang maikling byograpiko na nailathala sa website ng Ministry of Interior, ang Kalihim ay ipinanganak sa Roma sa Septiyembre 10, 1962 at mula noong 2004 siya ay propesor sa private law sa ‘La Sapienza University sa Roma. Sya ay counsel para sa Korte Suprema, magmula noong 1990 ay kabilang sa Konseho ng Roma. Siya ay ganap na abugado at dalubhasa sa sibil, komersyal, banking at consumer.
Sya ay naging kasapi din ng Advisory Committee, ng Ministry of Justice, ng Registry ng mga komite sa pagkakasundo sa ilalim ng batas ng batas reporma noong 2004-2007. Siya ay naglathala rin ng maraming mga writings, mga monographs, mga essays, mga artikulo, mga review ng mga batas at doktrina, sa pangunahing institusyong sibil, komersyal at banking.