Narito kung paano ang mga pamamaraan sa regularization ay inilahad kahapon sa mga patronato at mga asosasyon. Sa lalong madaling panahon ang FAQ, mula sa mga ministries ng Interior, Labor at Integration.
Roma – Setyembre 12, 2012 – Kahapon ng hapon, ang Ministry of Interior ay nagkaroon ng pagpupulong upang ipaliwanag ang mga pamamaraan ng regularization sa mga patronato at mga asosasyon, na sa pamamagitan ng kanilang mga tanggapan ay sasagutan at isusumite ang mga application.
Sa pagpupulong, ang mga eksperto ng Interior Ministry ay nagpalabas ng mga slides na maaaring i-download sa ibaba. Simula sa mga kautusan o dekreto hanggang sa paglilinaw kung sinu-sino ang maaari o hindi, mga hakbang ng proseso, ang pagbabayad ng 1,000 euros hanggang sa mga pagsusuri ng mga isinumiteng aplikasyon.
Sa mga susunod na araw ay ilalathala sa website ng ministries ng Interior, Labor at Integration ang FAQ ng mga tanong at sagot sa ilang mga puntong nanantiling malabo pa rin hanggang ngayon.