in

Social card, aplikasyon simula Jan 20 sa Roma

Magsisimula na ang pagsusumite ng aplikasyon para sa social card sa Roma.

Roma – Enero 8, 2013 – Simula Jan 20 hanggang Feb 28, ay maaari ng magsumite ng aplikasyon sa Roma para magkaroon ng carta acquisti sperimentale o ang kilalang social card.

Ito ay isang tulong pinansyal mula 200 hanggang 400 euros, na ibibigay sa loob ng 12 buwan tuwing ikalawang buwan ng Inps, para sa mga Italyano, EU at non-EU nationals na nagtataglay ng carta di soggiorno.

Ang mga pangunahing lungsod kung saan maaaring tanggapin ang social card ay ang sumusunod: Bari, Bologna, Catania, Firenze, Genova, Milano, Napoli, Palermo, Roma, Torino, Venezia at Verona.

Upang magkaroon ng bagong social card 2013-2014, una sa lahat, ay kinakailangang residente sa 1 sa mga lungsod na nabanggit ng kahit 1 taon lamang. Nasa kundisyon ng kahirapang pinansyal at kasalukuyang walang trabaho at mayroong isang menor de edad. Kakailanganin dina ng pagkakaroon ng ISEE katumbas ng 3000 euros.

Ang aplikasyon ay maaaring matagpuan sa Munisipyo na kinasasakupan.

Sa Roma, tinatayang aabot sa 4,000 pamilya ang maaaring tumanggap ng nasabing benepisyo. Ang aplikasyon ay matatagpuan sa website www.socialcard.roma.it at maaaring ipadala sa pamamagitan ng 3 paraan:

–      fax

–      registered mail with return card

–      sa Munisipyo o sa tanggapan ng Dipartimento delle Politiche Sociali, sussidiarietà e Salute.

Viale Manzoni, 16, Roma  
mula Lunes hanggang Biyernes 9 am-12 pm, Huwebes 3pm – 5 pm

Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring tumawag sa numero 800021617 mula lunes hanggang Biyernes 9 am-1 pm, Martes at Huwebes 3pm – 5 pm

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

E-passport obligado na!

Paano babayaran ang kontribusyon sa Inps?