in

Sospensyon ng Decreto Salvini, isinulong ng PD at M5S sa Torino

Isang ordine del giorno ang isinulong ng PD at M5S sa Torino kung saan nasasaad ang pansamantalang sospensyon ng Decreto Salvini hanggang matapos ang diskusyon nito sa Parliyamento.

Tatlumpung (30) pabor at dalawa (2) lamang ang hindi sang-ayon sa ‘ordine del giorno’ ng Consiglio Comunale Torino na pirmado ng konsehal na si Elide Tisi ng PD upang aprubahan ang kahilingang isulong ng Palazzo Civico sa Ministry of Interior ang sospensyon ng pagpapatupad ng Decreto Salvini hanggang matapos ang diskusyon nito sa Parliaymento.

Ayon sa mga proponents, PD at M5S, ang aprubasyon ng dekreto 113/2018 ay nagpapawalang bisa umano sa naging pagsusumikap sa mga huling taon, kabilang ang lungsod ng Torino, upang masiguro ang pantay na distribusyon ng mga migrante sa buong bansa at hindi lamang sa mga malalaking lungsod na posibleng maging sanhi ng pagkakaroon ng malaking bilang ng mga ito sa repatriation center, kabilang ang Cie Brunelleschi.

Ayon pa kay Consigliera Tisi, sa ginawang ilustrasyon ng ordine del giorno, ito umano ay bunga ng malalim na diskusyon ng komite: “Ang normatiba ay magiging sanhi ng higit na illegalities sa bansa, at magpapabigat sa budget ng mga mamamayan at administrasyon at higit sa lahat ay mababalewala ang proseso ng integrasyon na sinimulan ng SPRAR projects”.

Para naman kay Cosigliere Tresso ng Lista civica per Torino, ang dekreto ay hindi tumutugon sa mga suliranin ng migrasyon at seguridad. Dagdag naman ni Consigliera Artesio na mahalagang ang resulta ng diskusyon ng konseho ay makarating sa Parliyamento bago ang pagsasabatas ng panukalang batas, “dahil sa positibong resulta na SPRAR projects sa lungsod”.

Samantala, mula naman majority sa pamumuno ni M5S Valentina Sganga ay sinabing ang aprubasyon ng ‘ordina del giorno’ ng konseho ng Torino ay magsisilbi umanong ‘tulong’ upang higit na mapabuti ang panukala, na layuning maproteksyunan ang lungsod bilang modelo sa pagpapatakbo at pagpapatupad ng mga batas hanggang sa kasalukuyan at sa hinaharap, habang ang kanyang kasama sa partido na si Antonino Iaria naman ay ipinahayag ulit ang kanyang hindi pagsang-ayon sa dekreto, “ito ay hindi makakatulong sa ating lungsod”.

 

PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tredicesima, kailan ibinibigay at paano kinakalkula?

6 sa bawat 10 colf, walang regular na kontrata