in

Stop ang direct hire. Paano na ang kasunduan ng Italya sa ibang bansa?

Loy: “Kung walang dekreto wala ring quotas bilang kapalit sa pakikipagtulungan ng paglaban sa human trafficking at iligal na imigrasyon. Isang hindi magandang ideya mula sa gobyerno”

altRoma – Mayo 21, 2012 – Ang stop sa entry quotas para sa trabaho na desisyon ng pamahalaan ay isang “hindi magandang ideya”. Dahil ito ay magpapahintulot sa maraming irregularities, bukod dito ay apektado ang non-EU countries na mayroong kasunduan sa Italya sa immigration.

Guglielmo Loy, confederal head ng UIL ay nagsabing ‘masyadong  naapektuhan’ sa mga naging pahayag ng Ministro na si Cancellieri ukol sa intensyon na hindi magpalabas ng bagong dekreto ng direct hire. “Kahit pa sang-ayon sa prinsipyo na ang krisis ay nagdudulot ng matinding paghihirap sa mga imigrante bukod sa mga Italyano, ang UIL ay tinatanggap ang virtual closure sa legal entries para sa trabaho, na isang hindi magandang ideya at nag-iiwan sa nag-iisang paraan ng ilegal entry.

Ang lider ng unyon ay pinupuntusan ang obligasyon ng mga European countries na ang mga non-EU nationals na mayroong EC long term residence permit sa ibang bansa ng EU at nagnanais na magtrabaho sa Italya, ay mayroong karapatan ayon sa directive 2003/109/CE, “Ang bilang o dami nito – pagbibigay-diin pa nito –  ay napapailalim sa quota ng direct hire”.

“Ang mga quota – dagdag pa ni Loy – ay makakapekto rin sa mga banyagang mamamayan na Italian origin, na nakatira sa non-EU country pati na rin ang serbisyong propesyonal na nagpapatunay ng kawalan ng labor market. At higit sa lahat, ang dekreto ay hindi magbibigay ng entry quotas sa mga bansang walang kasunduan sa Italya ng kooperasyon sa paglaban sa human trafficking at iligal na imigrasyon. “

 “Paano maaaring isipin – pagtatanong ng confederal head ng Uil – naupang labanan ang mga trahedya sa Mediterranean ay kailangang pawalang-bisa ang mga kasunduan ng ating bansa sa ibang partner countries? Tinatanong naming samakatwid sa Executive, na muling pag-isipan ang naging desisyon at aming mungkahi ang posibilidad ng isang target upang tugunan ang mga pangangailangan ng isang tunay na pamahalaan sa pagpasok ng migration.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Idoneità alloggiativa, kailangan pa rin

Fans ni Jessica, humihingi ng suporta