Magiging aktibo mula Nobyembre na magpapahintulot sa isang mabilis na komunikasyon sa tanggapan ng Ministry of Interior. Para sa follow-up, request of access, paalala at iba pa.
Roma – Oktubre 28, 2014 – Mula sa Nobyembre tatlong certified e-mail addresses ang nakalaan para sa mga aplikasyon ng citizenship by naturalization. Ito ay magagamit para sa mga anumang impormasyon ukol sa sariling aplikasyon.
Ito ay isang karagdagang instrumento bukod sa website kung saan simula ngayong araw na ito ay maaaring sundan ang aplikasyon. Ito ay isang positibong hakbang, ayon sa isang pahayag ng Viminale, “bahagi ng administrative semplification, upang maging bukas sa impormasyon ng Public Administration”.
"Upang masiguro ang mas epektibong tugon sa iba't-ibang bahagi ng pagsusuri sa aplikasyon by naturalization (paalala, babala, request of access, atbp),
ang mga legal representatives sa mga aplikasyon ay inaanyayahang tumugon sa Civil Right, Citizenship and Minorities Central Office, gamit ang mga sumusunod na certified e-mail addresses:
area3citt@pecdlci.interno.it; (final protocol number 0,1,2);
area3biscitt@pecdlci.interno.it; (final protocol number 3,4,5,6);
area3tercitt@pecdlci.interno.it, (final protocol number 7,8,9),
tukuyin sa subject ang eksaktong numero ng aplikasyon (numero identificativo della pratica) K10 / C …. "
Ang Civil Right, Citizenship and Minorities Central Office ay inaanyayahan ang mga “legal representatives ng mga aplikante ng italian citizenship na makipag-ugnayan sa tanggapan nito sa pamamagitan ng mga certified e-mail addresses"