Nasasaad sa artikulo 23 ng Testo Unico sull’Immigrazione ang posibilidad na maglaan taun-taon ng bilang o quota sa loob ng Decreto Flussi para sa mga non-Europeans na nakapag-training o nakatapos ng formation courses sa kanilang mga countries of origin.
Ang mga training o formation courses na nagbibigay karapatan sa Decreto flussi ay ang mga pre-departure programs na nagpapahintulot sa pagpasok sa Italya. Sa kasalukuyan ay isinasagawa lamang ang mga funded project ng Direzione Generale Immigrazione ng Ministry of Labor, ang Fondo Asilo Migrazione e Integrazione (FAMI).
Partikular, sa ilalim ng public announcement n.2/2019, sampu ang pre-departure programs – training at civic-linguistic projects ang nagpapahintulot sa pagpasok sa Italya para sa lavoro subordinato, formazione professionale at ricongiungimento familiare ng mga Third country nationals.
Ang mga nabanggit na formation courses ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan sa 15 non-European countries lamang. Ang mga ito ay ang Albania, Bosnia-Herzegovina, Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, Gambia, Ghana, India, Mali, Morocco, Moldova, Nigeria, Senegal, Tunisia at Ukraine.
Tulad ng nabanggit ang mga workers na makakatapos ng pre-departure formation courses ay may karapatan sa nakareserbang quota sa Decreto flussi taun-taon at ang employment application para sa kanila ay may priyoridad sa pagsusuri ng Sportello Unico.
Sa DPCM ng 29.12.2022 na inilathala sa Official Gazette kahapon, January 26, 2023, ay mayroong 1000 quotas na nakalaan para sa pagpasok ng mga workers na sumailalim sa training sa kanilang mga countries of origin. (PGA – source: Ministeri dell’Interno)