in

Tuloy ang buwis ngunit mas mahabang validity ng mga permit to stay

Ang executive body, na nagmana kay Maroni at Tremonti ay piniling rebisahin ang mga permit to stay ng hindi gagalawin ang buwis.

Narito ang mga sinasabing magiging pagbabago: ang sinumang nawalan ng trabaho ay magkakaroon ng mas mahabang panahon upang humanap ng panibago. Maaaring magkaroon ng kilalang carta di soggiorno ang magpapatunay na mayroong pamilyang magsusustento sa lahat ng pangangailangan.

altRoma, 22 Pebrero 2012  –Mananatili ang buwis, pahahabain lamang ang validity ng mga permit to stay. Ito ay ang “rebolusyon” na inihayag ng Interior Ministry: tama na ang patuloy na pagre-renew ng mga permit at ang mga ito ay magkakaroon ng halos dobleng validity kumpara sa kasalukuyan. At hindi lamang ito, ang sinumang nawalan ng trabaho ay magkakaroon mula anim hanggang isang taong validity ng permit to stay upang makahanap ng panibago. Maaari ring magkaroon ng kilalang carta di soggiorno ang sinumang magpapatunay na mayroong pamilya na magsusustento sa mga pangangailangan nito. Ang bagong buwis na ipinatutupad? Babayarin pa rin.

At muli, upang mapabilis ang proseso ng renewal ng mga permit ay maaaring gamitin ang e-permit at ang gamitin ang internet. Isang programa ang magpapahintulot na gawin ang request ng renewal on line at upang magkaroon ng kinakailangang appointment upang mapabilis ang proseso nito. “Magsisimula sa lalong madaling panahon”, mga salita ng Ministro na si Annamaria Cancellieri. Tila hinihintay na lamang ang software upang simulan ang rebulosyong inihayag ilang araw na ang nakakalipas.

Pinag-aaralan ding mabuti kung paano malalampasan ang Poste Italiane sa bagong proseso, sa pamamagitan ng paggamit ng posta elettronica certificata (certified e-mail) ng mga imigrante na mayroon nito. Ngunit nananatiling problema ang security ng procedure on line, dahil sa madaling mapeke ang mga dokumentasyon. Sa kasalukuyan, ang Poste Italiane ay nagbibigay ng registered receipt matapos isumite ang aplikasyon ng renewal na hindi madaling mapeke.

Ang panahon? Mula sa mga concerned ministries ay sinabing matutugunan ng “rebolusyon” ang mahabang panahon ng paghihintay, at tila magiging handa na ang lahat sa loob lamang ng sampung araw. At para mapabilis ang lahat ng ito, kailangan lamang ng isang decreto ministeriale, ngunit upang mapahaba ang validity ng mga permit to stay ay kailangan ng susog sa batas.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy hinoldap sa Salaria

PD – “Sanatoria, sagot sa pondo sa imigrasyon”