Ang mga dayuhang undocumented o walang balidong permesso di soggiorno ay MAY karapatang mabakunahan sa Italya.
Tulad ng nasasaad sa FAQ sa website ng AIFA o Agenzia Italiana del Farmaco.
Sino ang may karapatang mabakunahan kontra Covid19 sa Italya?
LAHAT ng mga taong residente o permanenteng naninirahan sa Italya, mayroon o walang permesso di soggiorno, na nasasailalim sa mga kategorya na nasasaad sa Vaccination plan”.
Samakatwid, ang karapatan ay malinaw na para sa LAHAT. Ngunit sa kasalukuyan tanging ang rehiyon lamang ng Liguria ang nagsimula ngayong araw, May 10, na nagbigay ng malinaw na indikasyon kung ano ang dapat gawin ng mga walang regular na permesso di soggiorno o undocumented.
Para makapagpabakuna ang mga undocumented, ang mga non- Europeans (kasama ang mga Pilipino) ay kailangan ang pagkakaroon ng STP o Straniero Temporaneamente Presente, habang ang mga Europeans naman ay kailangang magkaroon ng ENI o Europeo Non Iscritto.
Ano ang dapat gawin ng mga undocumented na nasa Liguria?
Una sa lahat, siguraduhin ang pagkakaroon ng STP o Straniero Temporaneamente Presente.
Sa homepage ng Rehiyon, ay malinaw ang pagbibigay ng instruksyon kung paano magpapa-book ang mga hindi residente at hindi rehistrado sa SSN at samakatwid ay walang Tessera Sanitaria at STP o ENI ang hawak.
Sapat na ang magpadala ng email o tumawag sa mga telephone number na ibinigay ng rehiyon at magpa-book ng appointment para sa bakuna batay sa edad at prayoridad na nasasaad sa vaccination national plan ng Italya. (PGA)
Basahin din:
- STP, ang health code para sa mga undocumented sa Italya
- Maaari bang piliin kung aling bakuna kontra-Covid ang tatanggapin?