Maagang sisimulan ang mga exams para sa mga quota courses. Narito ang schedule buhat sa Ministry of Education. Aplikasyon sa mga Konsulado at Embahada para sa mga naghahangad na maging duktor, dentista, veterinarians, architects na dayuhan na naninirahan sa labas ng bansang Italya.
Roma – Pebrero 10, 2014 – Para sa mga aspiring doctors, dentists, veterinarians at architects ay kailangan ng maghanda. Sa taong ito, ang entrance exmas sa mga nabanggit na quota course ay sisimulan sa Abril at hindi Setyembre tulad ng mga nakaraang taon. Maging ang mga naninirahan sa ibang bansa at nais magtungo ng Italya upang mag-aral ay kailangang kumilos ng mas maaga.
Ayon sa Ministry of Education, University and Research, maagang sisimulan ang entrance exams upang sabayan ang ibang bansa. Ito ay may 2 layunin: una ang makahikayat sa mga dayuhang mag-aaral at ang pahintulutan silang simulan ang mga kurso sa simula ng school year. Ito ay magpapahintulot rin sa mga hindi papasa sa exams ang suriin at pag-aralan ang ibang alternatiba”.
Narito ang schedule na inilathala kamakailan sa pamamagitan ng isang dekreto ni Minister Maria Chiara Carrozza. Ang Medicine, Surgery at Dentistry (wikang italyano): April 8, 2014; Veterinary: April 9, 2014; Bachelor at Master’s degree in architecture: April 10 2014; Medicine at Surgery (ingles): April 29, 2014.
Ang mga exams ay mayroong 60 katanungan at 5 mapagpipilian, kung saan kailangang sumagot sa loob ng 100 minutes. Ang mga aplikante ay maaaring magpa-book ng exams sa website www.universitaly.it simula February 12 hanggang alas 3 ng hapon ng March 11, 2014.
Ang mga dayuhang mag-aaral? Para sa sinumang regular na naninirahan sa Italya, ay mayroong parehong panuntunan tulad ng mga Italians. Habang ang sinumang naninirahan pa sa sariling bansa ay hinihingan ng preliminary step: ang magsumite ng aplikasyon para sa pre-enrollment sa Italian consulate o embassy sa sariling bansa, na magpapadala naman ng aplikasyon sa unibersidad sa Italya bago tuluyang bigyan ng entrance visa papasok ng Italya para sa entrance exams.
Ito ay pamamaraang maaaring magtagal ng ilang buwan at samakatwid, para sa mga quota course ay kinakailangang kumilos ng mas maaga upang magkaroon ng sapat na panahon sa pagpasok sa Italya. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, ay wala pang itinatakdang petsa ng simula ng pagsusumite ng aplikasyon sa mga konsulado at embahada.