in

Unyon ng mga pediatricians: “Bawat bata ay dapat na pangalagaan ang kalusugan, italyano man o dayuhan

Kami ay handang talikdan ang aming professional fee

Roma, Setyembre 24, 2013 – “Bawat bata ay dapat na pangalagaan ang kalusugan, anuman ang kalagayan ng mga magulang, italyano o dayuhan man. Kwestyon ito ng prinsipyo at isang pangangailangan”. Ito ang mga pangungusap ni Rinaldo Missaglia, head ng unyon ng mga Pediatrician (SimpefSindacato medici pediatri di famiglia)

Iminungkahi si Missaglia na talikdan ang professional fee ng mga pediatrician kung ang mga bata ay mapapabilang bilang kanilang mga pasyente na dapat pangalagaan at subaybayan hanggang sa paglaki.

Ayon sa Simpef "ay para sa kabutihan ng lahat, na bawat indibidwal ay pangalagaan, upang maiwasan na ang mga batang ito ay lumaki ng may karamdaman na maaaring lumalà at pagkatapos ay gagamutin ng may mas malaking gastusin ng national health assistance, dahil ang mga kabataang ito ay magiging regular sa paglipas ng panahon”.

Inilabas ang posisyong ito habang ang Regional Council ng Lombardy region ay naghahanda sa nalalapit na diskusyon sa isang panukala ukol sa pangangalaga ng mga pediatrician sa mga anak ng mga imigrante na walang regular na permit to stay, na isinulong ni Stefano Carugo ng Pdl.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Passbook at 900 euros ibinalik ng Pinay

Paglaban sa kahirapan buhat sa pamahalaan, kabilang ang mga imigrante