in

Electronic Case Investigation Form, bagong Patakaran para sa mga darating sa Pilipinas

Electronic Case Investigation Form

Lahat ng mga darating sa Pilipinas mula sa ibang bansa ay pinapayuhang sagutan ang Electronic Case Investigation Form (e-CIF) upang makakuha ng QR Code bago lumapag sa NAIA.

Ang lahat ng mga darating sa Pilipinas mula sa ibang bansa, kasama ang mga Ofws, ay kailangang sumailalim sa mandatory COVID-19 testing at mandatory quarantine sa mga government quarantine facility o hotel na accredited ng Bureau of Quarantine (BOQ). 

Para sa listahan ng mga quarantine facilities sa Pilipinas na accredited ng BOQ, bisitahin ang sumusunod na link: http://quarantine.doh.gov.ph/facilities-inspected-as-of-ju…/.

Kaugnay nito ay magpapatupad ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng QR Code System para mapabilis ang proseso ng mga nasabing mandatory health protocols pagdating sa Pilipinas.

Lahat ng mga darating sa Pilipinas mula sa ibang bansa ay pinapayuhang sagutan ang Electronic Case Investigation Form (e-CIF) upang makakuha ng QR Code bago lumapag sa NAIA.

Narito ang mga hakbang kung paano magkakaroon ng QR Code:

1. Buksan ang internet browser at i-type ang ecif.redcross.com.ph.
2. Sagutan ang form at i-click ang Submit.
3. I-screenshot o i-print ang kopya ng QR Code.
4. Ipakita ang QR Code habang sumasailalim sa health assessment para sa COVID-19 testing sa airport.

Narito ang FAQ ukol sa Electronic Case Investigation Form o e-CIF

1. Bakit kailangan i-fill-up ang e-CIF?

Ito ay para masigurado na ang sinumang galing sa ibang bansa at papasok sa Pilipinas ay dadaan sa pagsusuri para sa covid-19 upang lalong maagapan ang paglaganap ng nasabing sakit sa Pilipinas.

2. Kailan dapat i-fill-up ang e-CIF?

Ito ay kailangang sagutan bago dumating sa immigration. Tatlong (3) araw bago ang iyong pagdating sa Pilipinas maaari na itong masagutan sa e-cif.redcross.com.ph

3. Sinu-sino ang obòigadong mag-fill-up ng e-CIF?

Ang sinumang papasok sa Pilipinas, galing sa ibang bansa ay obligadong i-fill-up ito.

4. Ano ang mangyayari kung dadating sa Pilipinas at hindi pa nasasagutan ang e-CIF?

Tatagal at hahaba ang proseso ng immigration para sa iyo. Kakailanganin mo pa rin itong sagutan at isumite online bago ka maaring dumiretso sa immigration.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang anghttps://e-cif.redcross.org.ph/

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization, extended ang deadline ng aplikasyon

Halaga ng Assegno Sociale 2020: € 459,83