in

Isang Doktor, ang unang Pilipinong biktima ng Covid19 sa Paris

Si Doktor Alan Ortiz , 66 na taong gulang at PH Council for Foreign Relations ay namatay sanhi ng Corona Virus nitong Marso 23, 2020 sa Paris, Pransya. Dumalo lamang siya sa isang Seminar na inilunsad ng Gobyerno ng Pransya matapos maimbitahan. 

Sa kasalukuyan, mayroon naman dalawang (2 Pinay) kababayan natin ang nahawahan ng virus at kasalukuyang nasa Hospital. 

Ibinaba ang lockdown nitong nagdaan Marso 15 at inaasahan na tatagal hanggang Mayo 4, 2020. Apektado ang lahat ng sektor. Ang mga nagtatrabaho sa Hotel, Restaurant, Hospital, Caregiver, Driver, Kasambahay at ang mga nasa Cleaning Services. Pinaka-problemado sa kasalukuyan ang mga undocumented at mga mangagawang hindi deklarado (nero) ng kanilang employer. Kabilang sila sa No Work No Pay na sistema. At nangangamba na walang tulong na matatangap sa Gobyerno. 

May ilan Babysitter ang patuloy pa rin pinapapasok. Sila ay yaong ang mga ang employer ay pumapasok pa rin sa kanilang mga opisina o pabrika. Samantala, nanatiling bukas ang mga Supermarket, Pharmacy, Tabacchi, Take Away Food Store, Laundry Service. Sarado naman ang mga Recreation Center, sinehan at mga Park. 

Mahigpit din na ipinatutupad ang Social Distancing na isang metro ang pagitan. Pinapayagan lamang na lumabas ng tahanan ang papasok sa trabaho, kailangan mamili, pupunta ng botika at uuwi galing sa trabaho. Obligado na dala ang autodhiarazzione kung saan nakatala ang oras ng labas, trabaho na pupuntahan at mga importanteng detalye na nakasulat sa kautusan. Dapat ito ay pirmado ng may dala at ng employer. Sa unang paglabag, ang multa ay 135euro-375euro at kapag nahuli sa pangalawang pagkakataon ay tataas ng 1500euro ang babayaran na multa.

May mga organisasyon naman na tumutulong mamahagi ng form para makaagapay sa mga kababayan at maiiwas sa problema.Wala na rin ang mga nakasanayan na pagtitipon ng mga Pilipino. Natigil ang mga kasayahan, mga Banal na Misa, at iba pang selebrasyon o mga pagpupulong. Ang Pransya ay tirahan ng humigit kumulang 65 libong Pilipino. Bukod dito tinataya na mayroon pang 33 libong Pilipino ang undocumented na nagtatrabaho dito batay sa tantya ni Betty Ragas, na higit 25 taon ng naninirahan sa Pransya. 

Ayon kay Gng. Betty Ragas, Presidente ng Filipino French Higala Association at isa sa dalawang Head ng Filipino Social Service France, “marami pa rin matatanda na ating kababayan ang hanggang sa ngayon ay natatrabaho. Sinasabi nila na kailangan na sila ay magpadala ng pera sa Pilipinas. Ito ay sa kabila ng kanilang idad“. Dagdag pa ni Betty na, “sa gitna ng krisis, may ilan sa mga di regular ang nagtatahi ng mask, nagluluto ng ulam at kakanin para may pagkakitaan. Marami naman ang nagpapalipas ng oras sa videoke, zumba, ehersisyo sa loob ng bahay at TikTOK”. (ni: Ibarra Banaag )

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Autocertificazione paano sasagutan Ako ay Pilipino

Autocertificazione, ang ika-apat na form. Narito ang mga pagbabago

kit-postale-ako-ay-pilipino

Permit to stay, extended ang validity hanggang June 15, 2020