in

Obama, panalo sa survey sa buong mundo

Isang survey ang ginawa ng Msn sa buong mundo ukol sa magaganap na eleksyon sa USA sa pamamagitan ng mga readers nito. “Sino ang nais ninyong iboto sa presidential election sa Usa?

Sa halos 36 na bansa ay nalikom ang 570,000 ‘votes’. Ang resulta, 81% para kay Obama at 19% para kay Romney. Ang China lamang ang bumoto sa republican, sa kabila ng ipinahayag ni Romney kung mananalo man ito. Tila di maintindihan kung anong balita ang nakarating sa China.  

Samantala, ang democrat na si Obama ay panalong-panalo kung totoong mga boto ang pag-uusapan at hindi survey lamang. Sa Portugal ay 94%, sa Germany naman ay 92%, sa Brazil ay 90%, sa France naman ay 88%. Maging ang boto sa Italya ay umabot sa 87%.  Sa England ay 85%, South America naman ay 79% at sa Russia ay 73% na boto para kay Obama.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Instruction buhat sa Inps para sa mga colf, caregivers at babysitters

Obama, panalo sa pangalawang termino