Wala pa mang pinal a tektso ay handa na ang Lega upang maghigpit sa pagbibigay ng Reddito di Cittadinanza sa mga dayuhan.
Ilang susog ang isinusulong nito na pangunahing layunin ay ang madagdagan at pahirapan ang mga requirements ng mga dayuhan.
Kaugnay nito, sa susog ng Lega na inaprubahan sa komite sa Senado, ilang sertipiko ukol sa financial at real estate assets pati na rin ang family composition, mula sa sariling bansa ng dayuhan ang kakailanganin bago tuluyang matanggap ang RdC. Ang sertipiko ay kailangang translated at authenticated ng Italian embassy o consulate sa country of origin.
Samantala, ang mga refugees naman na nagmula sa mga bansang imposibile ang magkaroon ng nasabing sertipiko ay hindi hihingan nito at ang Ministry ay may 3 buwan upang gawing pinal ang listahan ng mga bansang ito.
Ayon sa inaprubahang ‘decretone’, ang ayuda ay matatanggap ng mga dayuhan sa kundisyung long-term residents o sampung taon residente sa bansa at may EC long term resident permit at ang huling 2 taon ay tuluy-tuloy.
Samakatwid, dahil sa susog na nabanggit ay maaaring magkaroon pa ng mga karagdagang pagbabago para tuluyang matanggap ang Rdc ng mga dayuhan bago magkaroon ng pinal na teksto hanggang Marso.
Basahin din:
Reddito di Cittadinanza, paano matatanggap ng mga dayuhan?