in

Angeles City Mayor, ika-walo sa Top 10 World Mayors 2012

Itinuturing na ika-walo ang alkalde ng Angeles City sa pinaka mahuhusay na alkalde sa buong mundo.

Rome, Enero 10, 2013 – Sa Top 10 World Mayors 2012, ay ika-walo si Edgardo Pamintuan, ang mayor ng Angeles City.

Sya ay nahalal bilang alkalde noong Hulyo 2010. Simula noon ay nagsumikap sa pagpapaunlad ng health system ng lungsod at ng modernisasyon ng ospital sa lungsod.

Binigyang pansin ang edukasyon at ang kauna-unahang mayor ng Angeles City na nakapagpatayo ng isang city college sa murang halaga.

Naglunsad rin ng ilang proyektong pang-imprastraktura.

Pinangunahan din ng alkalde ang pagtatanim ng 200,000 puno at ang paglilinis ng mga drainage kasama ang mga boluntaryo upang masolusyunan ang mga pagbaha.

Napanatili rin ng alkalde ang tiwala ng kanyang nasasakupan dahil sa kanyang patuloy na pagsusumikap na buwagin ang graft and corruption dahil dito ay ay ginantimpalaan kanyang pamumuno bilang Seal of Good Housekeeping ng Ministry of Local Government.

Ang "World Mayor Project" ay sinimulan nonng 2004 ng City Mayors Foundation. Layunin nito ang iangat ang mga katangian ng mga alkalde sa buong mundo at kilalain ang kanilang kontribusyon sa komunidad.

Ang isang mahusay na alkalde, ayon sa City Mayors Foundation, ay nararapat na nagtataglay ng katapatan, mahusay na pananaw bilang leader, mayroong mahusay na pamamalakad, gising sa usaping sosyal at ekonomikal, abilidad sa pagbibigay ng proteksyon sa kapaligiran at kakayahang mapagyaman ang pakikitungo sa buong komunidad.

Nanguna sa listahan si Iñaki Azkuna, ang alkalde ng Bilbao, Spain.

Ang Top 10 World Mayors 2012:

1. Iñaki Azkuna, Mayor of Bilbao, Spain
2. Lisa Scaffidi, Mayor of Perth, Australia
3. Joko Widodo (Jokowi), Mayor of Surakarta, Indonesia
4. Régis Labeaume, Mayor of Québec City, Canada
5. John F Cook, Mayor of El Paso, USA
6. Park Wan-su, Mayor of Changwon City, South Korea
7. Len Brown, Mayor of Auckland, New Zealand
8. Edgardo D Pamintuan, Mayor of Angeles City, Philippines
9. Mouhib Khatir, Mayor of Zeralda, Algeria
10. Alfonso Sánchez Garza, Mayor of Matamoros, Mexico

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Domestic workers, higit sa 52 milyon sa buong mundo

Enrollment ng School year 2013-2014, gagawin online