in

Chinese travel agencies, kinansela ang mga package tour sa Pilipinas

Handang i-refund ang mga nai-booked na biyahe sa pagsuspinde ng mga package tours sa Pilipinas.

altRoma, Mayo 10, 2012 – Ang mga Chinese travel agencies ay sinususpinde ang mga package tour sa Pilipinas at nangako ng refund sa mga nai-booked na biyahe. Ito ay ayon sa Chinese state media ngayong Huwebes dahil diumano sa tumataas na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa sa pinagtatalunang isla sa South China Sea.

Ayon pa sa mga naunang report, ang mga kumpanyang Ctrip.com at Beijing International Travel Service ay inihinto ang mga tours sa Pilipinas at sinabing hindi tatanggap ng mga bookings hangga’t hindi bumubuti ang sitwasyon ng dalawang bansa.

Samantala, pinaalalahanan naman ng Chinese Embassy to the Philippines ang mga Instik sa Maynila na manatili sa kanya kanyang tahanan bukas, ang araw ng anti-China protests.

Ang Philippines foreign ministry ay nagsabing ti-triplihen ang military aid ng US sa Pilipinas sa taong 2012.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Registered mail, fax o via e-mail, bagong sistema ng pagpapatala sa Munispyo

Pinoy sa Roma sa kilos-protesta laban sa China