Pinirmahan ng Pilipinas at ng Federal Republic of Germany ang kasunduan para sa deployment ng mga Filipino Health Care Professionals sa Germany.
Manila – Marso 20, 2013 – Kahapon, March 19 ay pinirmahan ng Pilipinas at ng Germany ang isang labor agreement kung saan nasasaad ang deployment ng mga Filipino nurses.
Ang nasabing kasunduan ay pinirmahan nina Administrator Hans Leo J. Cacdac ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ni Ms. Monika Varnhagen of the German Federal Employment Agency [Bundesagentur für Arbeit]/International Placement Agency [Zentrale Auslands und Fachvermittlung] (BA/ZAV).
Ginanap ang signing ceremony sa Department of Labor and Employment (DOLE), kasama sina DOLE Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz at ang German counterpart Minister of Labour and Social Affairs na si Dr. Ursula von der Leyen, at ilang opisyales buhat sa Philippine Department of Foreign Affairs, DOLE, POEA at Professional Regulation Commission.
Sakop ng kasunduan na mabigyan ng sapat na linguistic at professional preparation ang mga Pinoy na gustong makapagtrabaho sa mga ospital ng Germany. Sasagutin naman ng iba't ibang labour agency sa Germany ang gastos para maihanda ang Filipino nurses sa ilalim ng triple win formula kung saan magkakaroon ng integration ang mga nurses sa German labour market at social environment ng nasabing bansa.
Ayon pa sa DFA, ang deployment ng mga nurses ay bahagi ng pinagusapang kooperasyon nina Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario at German Foreign Minister Guido Westerwelle sa pagbisita ng huling nabanggit sa Maynila noong nakaraang Pebrero. Ang kooperasyon diumano ay kaakibat sa pagdiriwang ng dalawang bansa sa ika-60 taon ng diplomatic relations.