in

Gangnam Style, mula sa Cebu inmates

Due to insistent public demand, ang pinaka kilalang dancing inmates ng Cebu ay ipinalabas sa wakas ng kanilang version ng Psy’s Gangnam Style video.

Cebu, Oktubre 29, 2012 – Halos isang libong mga bilanggo ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) ang nagpalabas ng Guinness World Record holder ng “Most Liked in Youtube”, ang Gangnam style ngayong maulang hapon ng Lunes.  

Ito ay ang ‘comeback performance’ matapos ang Governor ng Cebu na si Gwendolyn Garcia ay sinuspinde ang buwanang open-house show dahil sa naging insidente noong nakaraang Pebrero.

Ayon kay CPDRC choreographer Vince Rosales sa isang panayam, ang performance ay mula sa inspirasyon ng mga avid fan na humiling ng kanilang sariling bersyon. 

Hindi tulad ng kanilang ibang performance,tulad ng Thriller ni Michael Jackson – na nagpatanyag sa kanila sa buong mundo – ang mga inmates ay nag-ensayo lamang ng 3 araw upang mabuo ang bagong sayaw. Hindi din diumano nahirapang magturo si Rosales dahil tila inspirado ang mga inmates.

Ayon kay Rudy Freemont, isang Belgium tourist na pumasok sa loob ng CPDRC upang matunghayan ang performance ay namangha di lamang sa dancing skills ng mga ito kundi sa mga ngiting natunghayan nito mula simula hanggang sa matapos ang sayaw.

Samantala, ang dancing inmates ng Cebu ay itinuturing ng Tourism Department bilang isa sa mga unique tourist attraction di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.  

Ayon sa dating chief ng bilangguan, Byron Garcia,ang paglikha ng dance program ay upang makatulong sa rehabilitasyon at mapanatiling physically fit ang mga bilangg, lalong higit upang mabawasan ang agresyon na nagaganap sa loob ng bilangguan.

Kabilang sa kanilang performance ang  “Champ,” 2NE1’s “Fire,” and “Feeling Hot, Hot, Hot.”

video

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Balik Ora Solare

Isinilang ang isang sanggol? Hanggang 5000 € loan na mayroong easy term