Oktubre 3, 2012 – Ginulat ng mga nagpoprotestang hackers ang ilang mga website ng gobyerno sa unang araw ng pagpapatupad ng Cybercrime Prevention Act.
Ayon sa mga report, madaling araw ng Miyerkules, ay hindi na mabuksan ang mga website ng Philippine Senate (www.senate.gov.ph) at House of Representatives (www.congress.gov.ph). Sinundan ito ng Official Gazette (www.gov.ph).
Nagulat ang mga bumisita sa Senate website ng error message na nakansela umano ang kanilang koneksyon, habang error message na "bad gateway" naman ang nakita ang nakita ng mga bumisita sa website ng House of Representatives.
Inamin ng hacker group na "XPsych0path" na pinasok nila ang website ng Office of the President. Maging ang facebook page ay inanunsyo ring na-hacked.
Maging sa isang page ng concessionaire ng Manila Water ay natagpuan ang cartoon character Spongebob Squarepants na mayroon mensaheng "Republic Act No. 10175? Nobody cares,"
Samanatala, nangitim kahapon ang isa sa pinakamalawak na social media network sa mundo, ang facebook at tinangkilik ito ng halos 90% ng internet users hindi lamang sa Pilipinas kundi pati ng mga ofws sa ibang bansa, sa paglulunsad ng “black protest” ng Philippine Internet Freedom Association (PIFA).
Hinikayat ng PIFA na ilagay ang “Stop Cyber Martial Law” at gawing itim ang background ng mga cover at profile picture bilang mensahe ng masidhing pagtutol sa Cybercrime Law.
Wala ring humpay ang pag-ikot sa web ng mga pangalan ng mga Cybercrime authors. Sila ay ang mga sumusunod:
Sa Senado (10):
Edgardo Angara
Juan Ponce Enrile
Antonio Trillanes IV
Jinggoy Estrada
Lito Lapid
Manny Villar
Miriam Defensor-Santiago
Ferdinand Marcos Jr.
Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.
Loren Legarda
Sa Kamara (37):
Tarlac Rep. Susan Yap – principal sponsor
Ilocos Sur Rep. Eric Singson Jr.
Bagong Henerasyon parylist Rep. Bernadette Herrera-Dy
Marikina Rep. Marcelino Teodoro
Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo
Camarines Sur Rep. Diosdado Macapagal-Arroyo
Aurora Rep. Juan Edgardo Angara
Bacolod Rep. Anthony Golez
Pampanga Rep. Carmelo Lazatin
Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez
Abante Mindanao partylist Rep. Maximo Rodriguez Jr.
Buhay partylist Rep. Mariano Michael Velarde Jr.
Buhay partylist Rep. Irwin Tieng
Antipolo Rep. Romeo Acop
Capiz Rep. Antonio del Rosario
Ang Galing Pinoy Rep. Juan Miguel Arroyo
Occidental Mindoro Rep. Amelita Calimbas-Villarosa
Quezon City Rep. Winston Castelo
AVE partylist Rep. Eulogio Magsaysay
Taguig Rep. Sigfrido Tinga
Parañaque Rep. Roilo Golez
Marikina Rep. Miro Quimbo
Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento
Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento
AANGAT Tayo partylist Rep. Daryl Grace Abayon
Batangas Rep. Tomas Apacible
Iloilo Rep. Jerry Trenas
Nueva Ecija Rep. Joseph Gilbert Violago
Batangas Rep. Hermilando Mandanas
Pangasinan Rep. Ma. Rachel Arenas
Bulacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado
Laguna Rep. Ma. Evita Arago
Zamboanga Rep. Maria Isabel Climaco
Cebu Rep. Rachel Marguerite Del Mar
Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte
Cibac partylist Rep. Cinchona Cruz-Gonzales
Camiguin Rep. Pedro Romualdo