in

Higit sa 1,000, bilang ng mga nasawi ng bagyong Pablo

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council – NDRRMC, umabot na sa 1,020 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Pablo na nanalansa sa ilang probinsiya sa Mindanao at Visayas, kahapon Linggo ng umaga.

Sa 6 a.m. update kahapon ng NDRRMC, 2,662 katao ang sugatan habang 844 pa ang patuloy na pinaghahanap.

Pumalo na rin sa 701,224 pamilya o 6,203,826 katao ang mga apektado ng bagyo. Sa mga ito, 6,937 pamilya o 27,813 katao ang nananatili sa 60 evacuation centers.

Ayon sa NDRRMC, 63,040 mga bahay ang mga nagiba habang 95,544 naman ang nasira.

Tinatayang aabot sa P24,160,920,528.05 ang halaga ng pinsala ng bagyo; (P16,350,529,805.05 sa agrikultura, P7,761,431,310 sa imprastruktura at P48,959,413 sa mga pribadong ari-arian).

Nananatiling, apat na mga daan at 12 mga tulay ang nananatiling hindi madaanan. Nananatiling walang kuryente sa 30 mga lugar, at walang tubig sa anim na mga lugar.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paggamit ng autocertificazione ng mga imigrante, ipinagpaliban

RH Bill, aprubado na ng Kamara