in

Ika-4 na round ng usaping pangkapayapaan natuloy na!

Masalimuot at madugo ang usapang pangkapayapaan at kailangan dito ang pakikilahok ng Sambayanan para sa huli ay ating matamo ang TUNAY na PAGBABAGO.

 

 

Abril 5, 2017 – Umarangkada na ang 4th round ng Usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Gov’t. of the Republic of the Philippines (GRP) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa unang linggo ng Abril ng taong kasalukuyan na ginanap sa Noordwijk,The Netherlands.

Sa mga naunang round ng usapan sa ilalim ng Rehimeng Duterte na naganap noong nakaraang taon (August 2016) ay muling pinagtibay ang mga napagkasunduannasapagitan ng GRP at NDFP noong mga nakaraang rehimen tulad ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) kasama na ang listahan ng mga consultant ng NDFP na sakop ng JASIG at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIL).

Matatandaan din na kabilang ang Roma sa makasaysayang pagdaraos ng ikatlong round ng usapan na ginanap noong ikatlong linggo ng Enero taong kasalukuyan.

At bago maganap ang unang round ng Peace Talks ay parehong nagdeklara ng unilateral ceasefire o tigil putukan ang magkabilang panig subalit nang matapos ang ikatlong round ay nag- karoon ng aberya sa pagitan ng dalawang panig. Sa panig ng NDFP ay inangalan nila ang hindi pagtupad ni Pangulong Duterte sa kanyang pangako ng pagpapalaya sa mga detenidong pulitikal at ang pang-hihimasok diumano ng mga militar sa teritoryong hawak ng rebolusyunaryong kilusan at sa panig naman ni Duterte ay ang pagtanggi ng NDFP sa pagpirma sa isang Bilateral Ceasefire Agreement. Kaya sa unang linggo ng Pebrero ay binawi ng NPA ang kanilang deklarasyon ng tigil putukan at sinagot din ito ni Duterte ng pagbawi rin ng unilateral ceasefire sabay pagdedeklara ng all-out war at pag brand sa NPA na mga terorista.

Sa loob lamang ng halos dalawang buwan ay 46 ang namatay na mga magsasaka na inilunsad na giyera ng militar laban sa NPA. Matapos ang mahigit isang buwan simula ng maputol ang usapan ay nagkaroon ng “Back channel Agreement” na naganap noong March 11-12 sa The Netherlands at nabuo nga duon ang muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

At sa pagkakataong ito ay umaasa ang NDFP na tahasan nang matatalakay ang mga ugat ng armadong pakikibaka sa ating bansa at ito nga ay ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka,mababang pasahod sa mga mangagawa,kakulangan ng serbisyong sosyal sa mga mamamayan, pagtalakay sa pambansang industriyalisasyon, karapatan ng mga indeginous people at panghihimasok ng mga dayuhan sa ating mga kalakaran at pambansang patrimonyo. Lahat ng ito ay matatalakay sa susunod na agenda. Ito ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic reforms (CASER) na siyang tinatawag ng magkabilang panig na laman ng usapang pangkapayapaan.

Sa CASER ay relatibong matutugunan ang pundamental na problema ng ating bayan, ang kahirapan. At matapos ang CASER ay hindi ito basta-basta maipatutupad kaya mangangailangan naman ng tinatawag na Comprehensive Agreement on Constitutional and Political Reforms, kasama na rito ang pagbibigay daan para maipatupad ang pangako ni Pangulong Duterte hinggil sa Federalism. At ang mga ito rin ang magbibigay daan para tuluyan nang lagdaan ang Bilateral Ceasefire agreement.

Masalimuot at madugo ang usapang pangkapayapaan at kailangan dito ang pakikilahok ng Sambayanan para sa huli ay ating matamo ang TUNAY na PAGBABAGO.

 

ni: Egay Bonzon

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

60% ng mga dayuhang mag-aaral ay ipinanganak sa Italya

Decreto flussi, paano mag-aplay ng nulla osta pluriennale?